SAF 44, bibigyang parangal ng PNP Chaplain Service

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

Dapat maging inspirasyon ng mga kawani ng Philippine National Police sa pagganap ng tungkulin ang buhay at kabayanihan ng 44 na PNP-Special Action Force troopers at iba pang mga namatay sa pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Ayon kay PNP Chaplain Service Chief of Staff Rev. Fr. Senior Superintendent Arnolfo Castillo, ang buhay at serbisyo ng SAF 44 kasama na ang mga nasawing pulis at sundalo sa Marawi siege ang dapat na maging halimbawa ng mga pulis sa buong pusong pagsiserbisyo para sa bayan.

Pagbabahagi pa ng Pari ang katapatan, kabayanihan, pagkalayo sa pamilya at pagbubuwis ng buhay para sa bayan ay kalakip ng tungkuling sinumpaan ng bawat kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas hindi lamang para sa bayan at sa mga mamamayang Filipino kundi maging para sa Panginoon.

“Lagi naming sina-sample hindi lamang yung SAF 44 maging yung recent sa Marawi na ang kabayanihan ay bahagi ng paglilingkod at all times ay makapag-contribute sa bayan, lagi naming pinapa-inspire ang buhay ng mga kasundaluhan na many times ay malayo sa kanilang pamilya and they risk their lives but it’s all because of their love for God, country and the people…” pahayag ni Father Castillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Pari ang pakikiisa ng buong PNP-Chaplain Service sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng madugong Mamasapano encounter kung saan idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Proclamation No. 164 ang ika-25 ng Enero na National Day of Remembrance bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF 44.

Ibinahagi ni Father Castillo na magsasagawa ang PNP-Chaplain Service sa lahat ng rehiyon ng mga spiritual o religious service bilang pagkikilala at pagbubunyi sa buhay ng mga nasawing 44 na SAF troopers.

“So ini-encourage nalang na by region, lahat ng region ay tinatawag na sa A Day of Remembrance ay isama sa misa o kaya spiritual o religious service with respect to other religion kami naman sa mga Catholic Chaplain we make it sure na merong misa sa mga rehiyon ngayon A Day of Remembrance to honor the life of the troopers…” Pagbabahagi ni S/SUPT. Castillo.

Samantala naniniwala naman ang Simbahang Katolika na kinakailangang maipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa tunay na naganap sa operation plan Exodus na dapat sana’y pagsi-serve ng warrant of arrest sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli bin Hir alias Marwan at dalawa pang kasamang terorista upang mabigyang katarungan ang pagkamatay ng SAF44.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 34,117 total reads

 34,117 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,690 total reads

 70,690 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,901 total reads

 88,901 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,229 total reads

 173,229 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 209,045 total reads

 209,045 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,332 total reads

 38,332 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top