Dalawang kinatawan ni Pope Francis, dumalo sa National Conference of Seminary Formators

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Dalawang kinatawan ni Pope Francis ang dumalo sa isinasagawang National Conference of Seminary Formators on the Promotion of the New Ratio sa International Eucharistic Congress (IEC) Convention Center sa Cebu City.

Sina Archbishop Jorge Patron Wong, secretary of the Vatican Congregation of the Clergy at Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia.

Dumalo din sa 5-day conference sina San Carlos Bishop Gerardo Alminaza-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Seminaries at higit sa 400 formators mula sa ibat-ibang seminaryo sa bansa.

Layunin ng pagtitipon ang pagtalakay sa Ratio Fundamentalis Institutionis Sacerdotalis o the The Gift of Priestly Vocation na inilabas ng Vatican noong nakalipas na taon.

Hangad sa pagtitipon na makabuo ng programa at maiakma ang bagong panuntunan bilang bahagi ng formation ng mga pari sa bansa kasabay ng rin ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng Year of the Clergy and Consecrated Persons na bahagi ng paghahanda para sa ika-500 ng kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Sa tala ng CBCP, mahigit sa 10,000 ang bilang ng mga pari sa buong bansa na kumakalinga sa higit 86 na milyong mga katoliko.

Kabilang din sa mga pangunahing speakers sa pagtitipon sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle; Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo at Cebu Archbishop Jose Palma.

Pinangungunahan naman ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles ang may 30 obispo at arsobispo sa conference na dadalo naman sa ika-114th plenary ng CBCP na magsisimula bukas ika-26 ng Enero sa Cebu City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,248 total reads

 35,248 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,752 total reads

 71,752 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,963 total reads

 89,963 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,291 total reads

 174,291 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,064 total reads

 210,064 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top