Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sagipin ang pulitika bilang isang bokasyon

SHARE THE TRUTH

 141 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, kahit si Pope Francis ay nababahala sa bumababang pagpapahalaga ng mga tao sa pulitika. Itinuturing ng mga panlipunang turo ng ating Santa Iglesian ang pulitika bilang isang “lofty vocation”, isang matayog na bokasyon. Ngunit sa obserbasyon ng ating Santo Papa sa mga nangyayari lalo na nitong mga nakaraang taon, ang buhay-pulitika sa maraming lipunan ay hindi na nakatuon sa pag-uusap tungkol sa mga pangmatagalang plano upang mapabuti ang kalagayan ng mga tao. Hindi na ito nakatuon sa kabutihang panlahat o common good, ngunit nagiging pamamaraan na upang magbenta, ‘ika nga, ng mga ideyang papatok sa mga tao para lamang makalamang ang isang pulitiko sa kanyang mga katunggali.

Dito sa Pilipinas, nagkakaroon ng mga debate ang mga kandidatong nais maging pangulo. Mahalaga ang ganitong mga debate dahil doon nakikilala ng mga botante ang mga taong sumusuyo sa kanila para mailagay sa balota.

 

PSD Toktok

 

Noong 2016, maituturing na pinakatinutukan ang debate ng mga kumakandidato sa pagkapangulo, na kinabibilangan ng mayor noon ng Davao City na si Pangulong Duterte. Pinakatumatak nga sa marami ang kanyang naging sagot sa tanong ng isang mangingisda mula sa Pangasinan tungkol sa kung ano ang gagawin ni Ginoong Duterte, kung sakaling manalo siya, upang mapayapang makapangisda sila sa karagatang pilit na inaangkin ng China. Matapang ang naging sagot ng kandidatong si Ginoong Duterte: sasakay daw siya ng jetski papunta sa Scarborough Shoal at itatanim ang watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng paninindigan ng Pilipinas. Handa raw siyang ialay ang kanyang buhay upang ipagtanggol ang nararapat para sa mga Pilipino. Ang matatapang na salita ni Pangulong Duterte ang nakakuha ng tiwala ng 16 na milyong botante, kabilang ang mga mangingisdang laging tinataboy ng mga dayuhan mula sa ating karagatan.

Fast-forward ngayong 2021, sinabi ni Pangulong Duterte na “pure campaign joke” lamang ang kanyang isinagot noon sa debate—“bravado” lamang, mga salitang punung-puno ng yabang at kumpiyansa para lamang masuyo ang mga nakikinig. “Stupid” o mangmang daw ang mga naniwala sa birong binitiwan niya tungkol sa isang seryosong isyu. Nakasasamâ ng loob ang sinabing ito ni Pangulong Duterte, lalo na para sa mga mangingisdang lubhang naapektuhan ang kabuhayan dahil hindi na sila makapalaot sa dagat na sila ang dapat na nakikinabang bilang mga Pilipino.

At sa napakahabang panahon, ang mga mangingisda ang pinakamahirap sa mga batayang sektor sa bansa—halos apat sa sampung mangingisda (o 39.2%) ang kumikita nang mas mababa sa halagang itinuturing na sapat upang masabing hindi sila mahirap. Kaya hindi natin masisisi kung marami sa kanila ang napaniwala ni Pangulong Duterte at pinili siyang maging ama ng ating bayan. Marahil, nakita nila sa kanya ang isang matapang na tagapagtanggol, isang nagmamalasakit sa taong mag-aangat sa kanila mula sa kahirapan. Ngunit istupido pala sila sa pangingin ni Pangulong Duterte.

May ganitong mga salita sa Mateo 5:37: “Sabihin mo na lang na ‘oo’ kung oo at ‘hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa masama.” Ganito ang diwa ng tinatawag nating mga Pilipino na palabra de honor, at inaasahan natin ito sa sinuman, lalo na sa ating mga pinuno. Batid ng mabubuting lider ang bigat ng kanilang mga salita kaya mahalagang pinag-iisipan nilang mabuti ang lumalabas sa kanilang bibig at panindigan ang mga ito.

Mga Kapanalig, maging masakit na aral sana ito sa atin. Sabi nga ng nadismayang mangingisdang nagtanong noon mismo kay Pangulong Duterte, “Pag-isipan [nating] mabuti kung sino talaga ang makakatulong talaga sa atin, sa ating mga kababayan.” Sagipin natin ang pulitika sa ating bayan upang manatili itong matayog na bokasyon, hindi isang larong nilalahukan ng mga manloloko.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,444 total views

 6,444 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,584 total views

 19,584 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,557 total views

 25,557 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 31,312 total views

 31,312 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,574 total views

 38,574 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,445 total views

 6,445 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 19,585 total views

 19,585 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 25,558 total views

 25,558 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 31,313 total views

 31,313 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 38,575 total views

 38,575 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,095 total views

 41,095 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,476 total views

 36,476 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,480 total views

 48,480 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,522 total views

 56,522 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,079 total views

 48,079 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,504 total views

 46,504 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,290 total views

 48,290 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,215 total views

 45,215 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,529 total views

 59,529 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,219 total views

 63,219 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top