Maging mabuting taga-pangalaga ng kalikasan, hamon ni Bishop Ongtioco sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total reads

Tayo’y mga katiwala lamang ng likas na yamang nilikha ng Diyos.

Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco kaugnay sa pagdiriwang ng Laudato Si Week 2021 na nagsimula noong Mayo 16 at magtatapos sa ika-25 ng Mayo.

Ayon kay Bishop Ongtioco, bilang mga Katolikong Kristiyano ay pinagsisikapan ng bawat isa na maging maka-Diyos, makatao, makabayan at higit sa lahat ay ang pagiging makakalikasan.

Sinabi ng Obispo na katulad ng pangangalaga ng tao sa sariling kalusugan ay pangalagaan at mahalin din ng bawat isa ang ating inang kalikasan laban sa mapanirang paraan.

“Ang kalikasan ay ang ating ikalawang tahanan o our second home. Gusto natin maging maayos ang ating bahay at kalusugan kaya ingatan po natin at alagaan at huwag abusuhin ang kalikasan para sa ating kapakanan at para sa mga sumusunod na henerasyon,” mensahe ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas para sa pagdiriwang ng Laudato Si Week 2021.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Binigyang-diin naman ni Bishop Ongtioco na hindi pagmamay-ari ng tao ang kalikasan kaya wala itong karapatang sirain at abusuhin nang basta-basta para lamang sa sariling kapakanan upang pagkakitaan.

Ito’y ipinagkatiwala lamang sa atin ng Poong Maykapal upang higit pang mahalin, pangalagaan at pagyamanin.

“Ipinagkatiwala ng Diyos ito sa atin kaya hindi natin pag-aari ito. Tayo ay mga katiwala lamang at hindi tayo ang may ari nito. Kung papaano natin ginagalang at iniingatan ang ating katawan, ganun sana po ang ating pagpapahalaga sa inang kalikasan,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Hinikayat naman ng Obispo ang bawat mananampalataya na hindi lamang sa loob ng isang linggo, kundi pang-habambuhay na gunitain ang Laudato Si Week upang maipakita ang lubos na paggalang at pag-iingat sa likas na yamang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

Ipinagdiriwang ng simbahan ang Laudato Si Week 2021 bilang paggunita sa ikaanim na anibersaryo ng ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na unang nilagdaan noong Mayo 24, 2015.

Tema nito ang “Celebrating Change”, kasabay ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na natatanging pagkakataon upang ipagdiwang ang naging gampanin ng simbahan sa pagsasabuhay ng turo ng Laudato Si at ang wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 29,060 total reads

 29,060 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 54,054 total reads

 54,054 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 91,430 total reads

 91,430 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 122,698 total reads

 122,698 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 196,328 total reads

 196,328 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 287,910 total reads

 287,910 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 75,384 total reads

 75,384 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top