Mananampalataya, pinasasalamatan ni Bishop Uy sa total restoration ng Loboc church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 517 total reads

Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na magbuklod-buklod tungo sa isang pananampalataya. Ito ang bahagi ng pahayag ng obispo sa isinagawang turnover ceremony at pagtalaga sa dambana ng St. Peter the Apostle Parish o Loboc Church nitong Mayo 16, 2021.

Ipinaliwanag ni Bishop Uy na mahalaga ang pagkakaisa ng bawat mananampalataya sa pagtugon sa anumang hamon na kakaharapin upang sama-samang mapagtagumpayan sa tulong ng Panginoon.

“May we continue to walk together in our journey of faith, may we never forget the past be ever mindful of the present and continue rising everytime we fall as we face the future with hope,’ bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Matatandaang isa ang Loboc church sa 25 simbahan sa Diyosesis ng Tagbilaran na labis napinsala sa 7.2 magnitude na lindol noong Oktubre 2013. Katuwang ng diyosesis sa isinagawang restoration ang national government bilang ang simbahan ay idineklarang National Cultural Treasures at National Historical Landmark.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Itinatag ang simbahan ng mga paring Heswita noong 1602 subalit napinsala ng sunog noong 1638. Taong 1734 nang itinatag ang mas matibay na simbahan ng Loboc na gawa sa coral stone subalit tuluyang nasira ng lindol noong 2013.

Pinasalamatan ni Bishop Uy ang lahat ng sektor na nagtulong tulong upang muling maisaayos ang simbahan at higit na maipalaganap ang misyon ng Panginoon. Kinilala ng obispo ang katatagan ng pananampalataya ng mamamayan sa lugar na nakaugat sa pag-ibig ng Panginoon.

“Thank you for your tireless dedication to pursue the commitment to restore and bring back the magneficience and beauty of God’s holy temple in Loboc, a living testament of faith and resilience of the Boholano people,” ani Bishop Uy.

Nauna nang naglaan ng 2.5 bilyong piso ang national government para sa restoration ng apat na historical churches ng Bohol kabilang na ang Loboc Church.

Napapanahon din ang muling pagbubukas ng simbahan at pagtatalaga ng dambana nito sa pagdiriwang ng bansa sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas. Dumalo sa turn over ceremony ang mga opisyal ng National Museum of the Philippines, National Historical Commission, Provincial Government of Bohol sa pangunguna ni Governor Arthur Yap, mga lokal na opisyal ng Loboc, kawani ng diyosesis at si Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes na residente ng Loboc Bohol.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 29,061 total reads

 29,061 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 54,056 total reads

 54,056 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 91,432 total reads

 91,432 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 122,700 total reads

 122,700 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 196,330 total reads

 196,330 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 287,912 total reads

 287,912 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 29,063 total reads

 29,063 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top