Sahod at trabaho, tutukan ng administrasyong Duterte huwag lang droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 856 total views

Pinatutukan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People sa Administrasyong Duterte ang usapin ng pasahod at trabaho maliban pa sa kampanya nila kontra – iligal na droga.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, dahil sa masyadong natutukan ng pansin ang laban sa iligal na droga ay naisasantabi naman ang mahahalagang prayoridad na dapat rin namang tutukan ng kasalukuyang pamahalaan.

Hangad rin aniya ng mga Pilipino na tugunan ng ang isyu na nakabubuhay na sahod at paglikha pa ng maraming trabaho dahil bumaba na rin sa negative 21 percent ang bilang ng mga Pilipino na tumuturing sa kriminalidad bilang isang isyung pambansa batay na rin sa inilabas na pag – aaral ng Pulse Asia.

“Pero huwag nating kakalimutan yung iba pa tulad ng pagbibigay ng trabaho at kapag may trabaho ito ang magiging dahilan upang maging payapa, maayos ang buhay kabuhayan at ating pangangailangan. At dahil dito hindi na sila gumawa ng paraan na hindi ikakasama na kailangang tustusan ang kanilang pangangailangan sa kanilang pamumuhay. Tutukan ang laban sa droga pero huwag kakalimutan ang iba pang mga bagay na sabay – sabay, sama- sama, na tutukan ang pangangailangan at kahilingan ng ating kapwa Pilipino,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid na karagdagan pa sa isinagawang pag – aaral ng Pulse Asia mula ika – 25 hanggang ika – 1 ng Oktubre taong kasalukuyan na, 46 na porsyento ng mga sumagot ang nagsabing pagpapabuti sa pasahod ang pinakamahalagang pambansang isyu para sa kanila.

Habang sinundan naman ito ng paglikha ng mas maraming trabaho kung saan 38 porsyento ng mga respondents ang nais na tugunan agad ito ng gobyerno.

Gayunman, sinabi na rin ng kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangan maging balanse ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangunahing pangangailangan ng publiko lalo na kabutihang pangkalahatan o “common good.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 7,640 total views

 7,640 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 35,991 total views

 35,991 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 103,721 total views

 103,721 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 126,872 total views

 126,872 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 196,502 total views

 196,502 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 148,764 total views

 148,764 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 312,878 total views

 312,878 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top