93,638 total views

Mga Kapanalig, kasabay ng pagdalo niya sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na ginanap sa San Francisco ngayong buwan, nakipagkita si Pangulong Bongbong Marcos, Jr sa mga kababayan nating OFW sa Amerika.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng pangulo ang mga kababayan nating nagtatrabaho o nakatira na roon sa Amerika. Malaking tulong daw ang mga katulad nila sa pagsasalba sa ating bansa sa mga panahong nahaharap sa krisis pang-ekonomiya ang ating bansa. Ang kanilang ipinadadalang remittances sa mga kaanak nila dito sa bansa ay nakatutulong sa ating ekonomiya. Nitong Hunyo 2023, umabot sa 3.13 bilyong dolyar ang remittances mula sa mga OFW, at malaking bahagi nito—o 41%—ay mula sa Amerika. Asahan nating lalakí pa ito ngayong Kapaskuhan na pinakamahalagang okasyon para sa pamilyang Pilipino.

Dapat lang na pasalamatan ng ating presidente ang mga kababayan nating nakahanap ng mas magandang buhay sa ibang bayan. Tandaan nating ang pagdagsa ng mga Pilipino sa ibang bansa—o ang aktibo at sistematikong pagpapadala ng mga manggagawa natin sa ibayong-dagat—ay nagsimula noong panahon ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos Sr.

Kakasimula pa lamang ng batas militar o martial law noon nang gawing pormal ang tinatawag na export labor. Layon ng overseas employment program ng rehimen na pansamantalang tugunan ang lumalalang unemployment sa bansa. Bagamat matagal nang nangingibang-bansa ang mga Pilipino, sinimulan ng ama ng ating presidente ngayon ang pagturing sa paggawa bilang isang bagay na maaaari nating i-export. Sa ganitong paraan, hindi na kailangang mamuhunan ng gobyerno sa pagpapahusay ng mga manggagawa at paglikha ng mga trabaho. Kumikita pa ang pamahalaan mula sa mga ipinadadalang remittances ng mga migrante sa iniwan nilang pamilya at sa palitan ng salapi o foreign exchange. 

Mula noon, dumami nang dumami ang mga kababayan nating pinipiling mangibang-bansa upang makapagtrabaho. Isa nga tayo sa mga bansang pinanggagalingan ng pinakamaraming manggagawa. Sa Survey on Overseas Filipinos ng Philippine Statistics Authority, lumabas na nasa 1.96 milyon na ang mga OFW noong 2022. Nasa 1.84 milyon sa kanila—o halos 99%—ay overseas contract workers o mga may kontrata. Halos anim sa sampung OFW ay babae—at hindi tayo magtataka kung marami sa kanilang mga nanay na piniling iwan ang kanilang mga anak. Karamihan sa mga babaeng OFW ay nasa edad 30 hanggang 39. Sa mga lalaking OFW naman, pinakamarami ang 45 taóng gulang pataas. Karamihan sa mga babaeng OFW ay nasa mga tinatawag na elementary occupations katulad ng mga kasambahay, habang ang mga lalaking OFW ay karaniwang nasa mga planta o nagtatrabaho bilang machine operators. 

Sa kulturang pinahahalagahan ang pagsasama-sama ng pamilya, maituturing na malaking sakripisyo ang ginagawa ng mga kapatid nating OFW. Tititiisin nilang malayô sa mga kapamilya, maibigay lamang ang kanilang kailangan. Hindi sana ito mangyayari kung marami ang trabaho sa ating bansa o kung ang sapat—kung hindi man malaki—ang sahod kahit sa mga trabahong tinatawag na elementary occupations. Ang patuloy na pagdami ng mga OFW ay patunay na malayo pa tayo sa kalagayang hindi kailangang may mawalay sa ating mga pamilya. Kaya maliban sa pasasalamat sa mga OFW, pagsumikapan sana ng gobyernong paramihin ang mga trabaho sa ating bansa at gawing patas at nakabubuhay ang sahod ng mga manggagawa. Sa ganitong paraan, magagawa ng gobyernong paglingkuran ang kabutihang panlahat, ang maging mga lingkod para sa ikabubuti ng mga mamamayan, gaya ng nasasaad sa Roma 13:4.

Mga Kapanalig, nakakamit natin ang ating dignidad sa paggawa. “We get dignity from work,” minsang sinabi ni Pope Francis. Hindi na sana kaakibat ng pagkamit ng dignidad na ito ang pagkakalayo ng magkakapamilya. Hindi sana itinuturing ang paggawa bilang isang produktong ibinebenta sa ibang bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 75,276 total views

 75,276 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 86,922 total views

 86,922 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 96,169 total views

 96,169 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,966 total views

 101,966 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,354 total views

 114,354 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 75,277 total views

 75,277 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 86,923 total views

 86,923 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 96,170 total views

 96,170 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,967 total views

 101,967 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 114,355 total views

 114,355 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,708 total views

 64,708 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,919 total views

 99,919 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,754 total views

 145,754 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,772 total views

 146,772 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,538 total views

 120,538 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,597 total views

 117,597 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,639 total views

 118,639 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,068 total views

 123,068 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,268 total views

 137,268 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,721 total views

 147,721 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top