Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines at DENR, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,169 total views

Lumagda sa kasunduan ang Caritas Philippines at Department of Environment and Natural Resources – Ecosystems Research and Development Bureau (DENR-ERDB) upang higit na pagtibayin ang programang pagtatanim ng mga kawayan sa buong bansa.

Ito ay ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa Caritas Philippines Bamboo Forest Project na mahalagang hakbang upang wastong maipatupad at maisulong ang inisyatibong pangangalaga sa inang kalikasan.

Umaasa si Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na sa pamamagitan ng kasunduan ay higit pang maipalaganap ang pagbuo ng bamboo sanctuary sa 86 diyosesis sa buong bansa.

“We look forward with the partnership that we have with the government through the DENR na lahat ng dioceses—86 dioceses all over the Philippines—we can always assume and conclude na maging successful ito so that the whole Philippines will be a bamboo country in Asia,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Nagagalak naman si DENR-ERDB Assistant Director Conrado Marquez na maibabahagi ng ahensya ang kakayahan at kaalaman tungkol sa bamboo propagation lalo na sa mga pamayanang madalas na dinadaan ng mga sakuna at kalamidad.

Pangako ni Marquez ang pagsuporta ng DENR-ERDB sa lahat ng inisyatibo at programa ng simbahan sa pangangalaga at pagpapanatili ng kapaligiran lalo na sa mga kagubatan sa bansa.

“It’s an honor and privilege, I should say that we accept this request for partnership and particulary for us to provide the needed technical assistance in Caritas Philippines Bamboo project… We would like to thank Caritas Philippines for giving us the confidence to provide the technical assistance they need,” ayon kay Marquez.

Maliban kina Bishop Bagaforo at Marquez, kasama ring lumagda sa MOU sina Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr; at DENR-ERDB Supervising Admin Officer Danilo Sabiniano.

Nasimulan na ang proyekto sa Arkidiyosesis ng Capiz at Jaro, Iloilo, at Diyosesis ng San Carlos, Negros Occidental sa tulong ng United States Agency for International Development o USAID katuwang ang Gerry Roxas Foundation.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa halos 33-ektaryang lupain ang napakinabangan ng Caritas Philippines para maging taniman ng mga kawayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 63,264 total views

 63,264 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 85,330 total views

 85,330 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 101,026 total views

 101,026 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 107,881 total views

 107,881 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 167,437 total views

 167,437 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top