Salita ng Diyos, inihalintulad ng Chef Priest sa pagkain hindi basta-basta isinusubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Pormal nang binuksan ang apat na araw na Kerygma Conference (KCON) sa SMX Convention Center, Pasay City, noong ika-22 ng Nobyembre, sa pangunguna ng Light of Jesus Family.

45 mga pag-aaral at panayam ang inihanda ng Light of Jesus Family na tatalakay sa iba’t-ibang suliranin sa lipunan, gaya ng pagpapabuti ng relasyon sa pamilya at sa kapwa, pagiging isang epektibong pinuno, pangangalaga ng kalusugan, pagpapaunlad ng negosyo o karera sa buhay, at pagpapalakas ng mga church ministry.

Sa unang mga pag-aaral, isa sa nagbigay ng panayam si Father Leo Patalinghug na kilala bilang Chef Priest.

Inihalintulad ni Father Patalinghug ang salita ng Diyos sa pagkaing hindi dapat basta na lamang isubo sa isang tao.

Inihayag ng Pari na kinakailangang magkakaibang estilo ang pagkakaahin nito o di kaya ay sa pamamagitan din ng iba’t-ibang putahe, upang mas maging kaaya-aya ito para sa ibang tao.

Sinabi ng Pari na isa din sa mabisang paraan upang maipamalas at mahikayat ang ibang tao na kilalanin si Hesus ay sa pamamagitan ng pag-uugali nating mga mananampalataya.

“We cannot give the Eucharist to everyone, but we can give the presence of Jesus to everyone… Plate the grace [of God] to make it look beautiful… If you’re gonna feed someone the herbs of truth that tastes bitter, make it a little sweet.” pahayag ni Father Patalinghug.

Hinimok ni Father Patalinghug ang mga mananampalataya na tulungan din ang mga pari na maging mabuting tagapagpakain ng salita ng Diyos sa mga tao.

Sa unang araw pa lamang ng KCON ay libu-libo na ang mga mananampalatayang dumalo na mula pa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Magpapatuloy naman ang conference na magpapalakas sa pananampalataya ng mga Katoliko sa susunod pang tatlong araw, at pormal na magtatapos ito hanggang sa ika-25 ng Nobyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 56,285 total reads

 56,285 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 105,475 total reads

 105,475 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 153,348 total reads

 153,348 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 257,295 total reads

 257,295 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 340,552 total reads

 340,552 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,019 total reads

 42,019 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,899 total reads

 34,899 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top