Tulungan ang mga maliliit na negosyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 584 total reads

Naniniwala ang isang non-government organization na ang pagsali sa mga bazaar ay isang pamamaraan upang matulungan ang mga maliliit na negosyante na maipakilala sa mamimili ang kanilang mga produkto.

Ayon kay Ms. Claudia Oriolo, Country Director for Philippines ng People in Need, isang magandang prebilihiyo ang makipagtulungan sa Caritas Margins upang mas matulungan ang mga benepisaryong magsasaka mula sa Eastern Samar at iba pang mga maliliit na negosyo.

“This events, like bazaar with Caritas Margin will create platform for them to be exposed and to connect with buyers, with costumers so this is why we are very privilege we feel privilege to cooperate to Caritas Margins and offer this phase to our beneficiary,” pahayag ni Ms. Oriolo sa Radio Veritas.

Nagsimula ang People in Need sa Pilipinas noong Nobyembre 2013 matapos manalasa ang bagyong Yolanda sa malaking bahagi ng Eastern Visayas na ikinasawi ng higit sa anim na libong indibidwal habang bilyong pisong ari-arian at kabuhayan naman ang nasira.

Nagsagawa ng emergency response ang NGO na nakabase sa Czech Republic subalit sa paglipas ng panahon mas pinalalawak nito ang mga inilunsad na programang nakatutulong sa mga mamamayan sa Eastern Samar.

Ibinahagi ni Oriolo na sinusuportahan ng grupo ang halos 40 mga magsasaka at ang mga micro business ng lokal na agrikultura sa lugar upang mas mapaunlad ang kanilang talento at kasanayan sa paglikha ng mga produktong mapagkakakitaan.

“Our goal is really to give them the tools to become self sustaining, to improve their living conditions and also their economic development,” dagdag ni Oriolo.

Dahil dito hiniling ng grupo sa mamamayan na suportahan at tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga maliliit na negosyante lalo na ng mga magsasaka upang matulungang mapaunlad ang antas ng kanilang pamumuhay.

Ang People in Need ay nakibahagi sa tatlong araw na expo ng Caritas Margins, ang social enterprise ng Caritas Manila na ginanap sa Glorietta Sunken Activity Center mula noong ika – 19 ng Nobyembre.

Sa katatapos na World Day of the Poor, nanawagan ang Kaniyang Kabanalan Francisco na dinggin ang panaghoy ng mga dukha at magtulungang tugunan at kalingain ang maliliit na sektor sa lipunan tulad ng mga gawain ng Caritas Manila at People in Need na naglunsad ng mga programang magbibigay kabuhayan sa mga dukha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 5,257 total reads

 5,257 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 225,875 total reads

 225,875 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 260,548 total reads

 260,548 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 276,448 total reads

 276,448 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 312,566 total reads

 312,566 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top