Sambayanang Filipino, hinimok na maging bahagi ng “Growing Trees for Life and Justice”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,304 total reads

Umapela ang Obispo ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental sa lahat ng mananampalataya, mga pari, religious at mga kabataan kaugnay sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, dapat na tiyakin ng bawat isa na hindi nakadadagdag ang sinuman sa deforestration na nagaganap sa mga kagubatan lalo na sa Mount Kanlaon Natural Park at North Negros Natural Park.

“Calling all our priests, religious, youth, and the rest of the people of god in the Diocese of San Carlos! Make sure we are not contributing to the deforestation, especially of Mount Kanlaon Natural Park and North Negros Natural Park!”panawagan ni Bishop Alminaza.

Inihayag ng Obispo ang kalungkutan na makita ang malaking naging kabawasan sa mga punong kahoy sa kagubatan bagamat may mga programa ang pamahalaan upang pangalagaan ito.

“Nakakalungkot kasi parang may mga patuloy pa rin yung (pagpuputol) ng kahoy sa Natural Park, although under DENR yan tapos meron naman (program) ang government, pero nakakalungkot kung makikita mo yung mapa kung gaano kalaki yung dati tapos ngayon ang liit-liit nalang tapos kung mabawasan pa yan…” Dagdag pa ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, muling hinikayat ng Obispo ang lahat mula sa diyosesis na makibahagi sa programa ng Simbahan na “Growing Trees for Life and Justice” na inilunsad noong nakalipas na taon bilang tugon hindi lamang sa panawagan ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si at paggunita ng Season of Creation kundi bilang pagkundina na rin sa karahasang nagaganap sa bansa.

“Support our “Growing Trees for Life and Justice” program we started last year during the Season of Creation integrating it with our crusade for life and human rights! For every tree we plant and grow we commemorate the life of every victim of extra judicial killings, of human rights violations, of our long struggle for lasting peace and care for our environment!” dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Layunin ng programa na magtanim ng mga puno bilang paraan ng pag-alala sa buhay ng lahat ng mga nasawi sa mga karahasang at paglabag sa karapatang pantao sa bansa.

Bahagi ng panawagan ni Bishop Alminaza noong nakalipas na taon ang pagtatanim ng 250-puno ng bawat parokya bilang pagtugon sa nasabing programa.

Batay sa tala, may mahigit sa 900-libo ang bilang ng mga Katoliko sa Diocese of San Carlos na pinangangasiwaan ng may 86 na pari sa 33 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 17,100 total reads

 17,100 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 103,078 total reads

 103,078 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 140,450 total reads

 140,450 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 171,710 total reads

 171,710 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 243,765 total reads

 243,765 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,734 total reads

 32,734 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top