SANLAKBAY, nakahandang makipagpulong sa bagong administrasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total views

Bukas sa pakikipag-ugnayan ang drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila na Sanlakbay sa bagong administrasyon at mga bagong halal na alkalde sa Metro Manila para maipagpatuloy ang adhikain na mabago ang buhay ng mga drug dependents.

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Roberto Dela Cruz, Program head ng Sanlakbay na halos 6 na taong nang tumutulong sa mga nalulong at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na gustong magbago.

Ayon kay Fr. Dela Cruz, sa kabila ng epekto ng pandemya ay patuloy na naging matagumpay ang kanilang adhikain na baguhin ang buhay ng mga drug dependents sa spiritual at makataong pamamaraan.

Sinabi ng Pari na nakahanda silang makipagpulong sa bagong administrasyon upang maipagpatuloy ang mga nasimulang programa ng Simbahan Katolika partikular na sa mga nasasakupan ng Arkidiyosesis ng Maynila.

“Ang mahalaga na meron tayong kooperasyon at we should work together. So far wala pa kaming meeting sa bagong administrasyon like example sa mga mayors ng bawat city siyempre yun hawak natin na Manila, Mandaluyong, Pasay, San Juan at Makati, hinihintay pa namin makaupo yun mga bagong mayors natin then after they settle down syempre yung mga anti-drug abuse council magkakaroon ng mga series ng meetings ngayon,” pahayag ni Fr. Dela Cruz sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas.

Aminado si Fr. Dela Cruz na magsisilbing panibagong hamon sa kanila ang gagawing pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

Siniguro ni Fr. Dela Cruz na bukas ang tanggapan ng Sanlakbay at ng Caritas Manila para sa mga nagnanais na sumailalim sa kanilang programa at makatulong sa pagbabago.

Magugunitang inulunsad ng Archdiocese of Manila ang programang Sanlakbay sa pagbabagong buhay bilang tugon ng Simbahang Katolika sa suliranin sa mga gumagamit ng ilegal na droga.

Sa datos ng Commission on Human Rights noong taong 2018 tinatayang umabot sa 27 libong indibidwal na ang nasawi dahil sa pinaigting na kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 34,257 total views

 34,257 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 64,480 total views

 64,480 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 91,131 total views

 91,131 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 186,104 total views

 186,104 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 205,036 total views

 205,036 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,093 total views

 89,093 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top