Sanlakbay priest, dumalo sa international dialogue on drug rehabilitation sa Rome

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,740 total reads

Dumalo sa pagtitipon sa Roma ang Sanlakbay priest ng Archdiocese of Manila kasama ang kinatawan mula sa Latin America at Caribbean, kasama ang mga kalahok mula Africa,Europe, at Asya upang talakayin ang mas epektibong pagtugon sa pagkalulong sa droga at kriminal na recruitment ng mga kabataan.

Kabilang sa naging kalahok sa pagtitipon si Fr. Roberto Dela Cruz ng Archdiocese of Manila ng Sanlakbay Para sa Pagbabagong Buhay.

Batay sa kanyang karanasan, sinabi ni Fr. Dela Cruz na mahalagang tingnan ang taong nalulong hindi lamang bilang may problema sa droga kundi bilang isang taong nangangailangan ng pag-unawa, pagtanggap at pagkakataong magbagong-buhay.

Naging mahalaga sa kanyang pananaw ang sarili niyang karanasan dahil bago siya nagbagong-buhay, nasangkot din siya sa paggamit at pagbebenta ng droga at ilang ulit na nakulong.

Para kay Fr. de la Cruz, hindi sapat ang pagtigil sa paggamit ng droga. Sa halaip ay kailangan ding maibalik ang tiwala sa sarili, ugnayan sa pamilya at dignidad ng tao upang maging ganap ang pagbabago.

Ang Sanlakbay para sa Pagbabagong Buhay ay isang komprehensibong programa sa rehabilitasyon na nakabase sa komunidad at parokya na inilunsad ng Archdiocese of Manila noong Oktubre 23, 2016 sa ilalim ng pamumuno ni Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ang community based-drug rehabilitation ang tugon ng simbahan laban naman sa ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan libo-libo ang naitalang nasawi.

Isinasagawa ang pagtitipon mula August 25 hanggang 27 ang international dialogue na nakatuon sa prevention, recovery at pagbabalik ng mga taong nalulong sa droga sa komunidad.

Pinangunahan ang pagtitipon ng CELAM, Pontifical Commission for Latin America at Inter-American Drug Abuse Control Commission ng Organization of American States o OAS.

Layunin ng pagpupulong na palakasin ang pagtutulungan ng Simbahan, pamilya, pamahalaan at komunidad sa pagprotekta sa mga kabataan laban sa droga at mga grupong kriminal.

Binigyang-diin ng mga kalahok na hindi sapat ang paggamot lamang sa addiction, kundi ay mahalaga rin ang muling pagbuo ng tiwala sa pamilya, pagkakaroon ng trabaho at pagbabalik ng isang tao sa komunidad.

Magtatapos ang pagtitipon sa pakikipagpulong ng mga kalahok kay Pope Leo XIV, kung saan ilalahad ang kanilang mga rekomendasyon at mga susunod na hakbang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 13,687 total reads

 13,687 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,903 total reads

 50,903 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,173 total reads

 277,173 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,640 total reads

 170,640 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,984 total reads

 263,984 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,491 total reads

 4,491 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top