Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Save Tañon Strait, inilunsad

SHARE THE TRUTH

 10,544 total views

Inilunsad ng mga makakalikasang grupo mula sa Cebu at Negros ang “Save Tañon Strait” campaign bilang mariing pagtutol sa binabalak na pagpapalawak ng coal-fired power plant sa Toledo City, Cebu.

Layunin ng inisyatibo na paigtingin ang panawagan para pangalagaan ang Tañon Strait, ang pangalawang pinakamalaking marine protected area sa bansa at kinikilala bilang Important Marine Mammal Area (IMMA), mula sa mapaminsalang proyekto ng Aboitiz Therma Visayas Incorporated (TVI).

Ayon kay San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza, labis nang nagdurusa ang daigdig dahil sa umiiral na krisis sa kapaligiran, ngunit sa halip na kumilos upang pangalagaan ang mga likas na yaman, ang mga nasa kapangyarihan pa ang nangunguna sa pagpapahintulot ng mga mapaminsalang proyekto.

“Tañon Strait is one of the largest protected areas in the Philippines, a seascape that gives millions of lives and bounty. What use is the declaration of a protected area when permits are still given for destructive projects that will affect the IMMA?,” ayon kay Bishop Alminaza.

Una nang naglabas ng joint statement ang grupo upang tutulan ang coal expansion ng TVI, na sinasabing lumabag sa 2020 coal moratorium ng Department of Energy at sa Extended National Integrated Protected Area System (ENIPAS) Act.

Sa ngayon, ang nasabing pahayag ay nakapangalap na ng 64-lagda mula sa iba’t ibang organisasyon sa Cebu at Negros.

Hamon naman ni Bishop Alminaza sa mga opisyal ng pamahalaan na maging kaisa ng tinig ng mamamayan at magbuklod para sa pangangalaga sa iniingatang Tañon Strait.

“It is high time for leaders to declare their stance on this project so we may know who really is genuine in their advocacy for the environment and our common home. We appeal to your humanity and servant leadership; hear our calls and fight with us,” dagdag ni Bishop Alminaza.

Suportado ang Save Tañon Strait network ng iba’t ibang sektor mula sa simbahan at non-government organizations, kabilang ang Diyosesis ng San Carlos, Center for Energy, Ecology and Development (CEED), Oceana Philippines, Limpiyo ang Hangin Alang sa Tanan (LAHAT), at Youth for Climate Hope, at iba pa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 5,157 total views

 5,157 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 18,398 total views

 18,398 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 35,279 total views

 35,279 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 46,631 total views

 46,631 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 62,161 total views

 62,161 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Sikatunarra project, pinuri ni Bishop Uy

 76 total views

 76 total views Kinilala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang makakalikasang proyekto ng bayan ng Sikatuna, Bohol bilang makabuluhang hakbang tungo sa pagkalinga sa kalikasan at

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Alay Kapwa theme song, isasapubliko

 172 total views

 172 total views Ilulunsad ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isang pagtitipon bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top