Season of Creation opening, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 758 total reads

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagsisimula sa taunang paggunita sa Season of Creation na may temang ‘A Home for All? Renewing the Oikos of God’.

Isasagawa ito bukas, unang araw ng Setyembre sa ganap na alas-10 ng umaga sa pamamagitan ng banal na Misa sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.

Kasabay ng pagsisimula ng Season of Creation ay ang paggunita sa World Day of Prayer for the Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang pag-aalay ng panalangin para sa mga likas na yamang nilikha ng Poong Maykapal.

Nauna nang hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat mananampalataya na makibahagi sa lahat ng mga gawain sa pamamagitan ng National Laudato Si’ Action Platform.

Ito ay ang pitong taong paglalakbay tungo sa pagsasabuhay ng ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis para sa wasto at kristiyanong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Matutunghayan ang mga gawain kaugnay sa Season of Creation sa mga facebook page ng Laudato Si Movement Pilipinas, CBCP National Laudato Si Program at Veritas.846.ph.

Sa buong mundo, ipinagdiriwang ang Season of Creation mula unang araw ng Setyembre hanggang Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asis – ang patron ng kalikasan.

Ngunit dito sa Pilipinas ay pinalawig ito hanggang sa ikalawang linggo ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday.

Kasabay nito ang paggunita sa ikaanim na taon ng World Day of Prayer for Care of Creation na idineklara ni Pope Francis noong taong 2015, alinsunod sa isinasagawang pag-aalay ng panalangin ng Orthodox Church na nagsimula pa noong taong 1989.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,995 total reads

 93,995 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 171,141 total reads

 171,141 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 204,589 total reads

 204,589 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,888 total reads

 239,888 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,768 total reads

 462,768 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,233 total reads

 158,233 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top