Segunda Mana expansion, tuloy-tuloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 331 total views

Pormal nang pinasinayahan ng Caritas Manila Segunda Mana ang ika – 33 charity outlet kung saan ibinebenta ang mga donasyong gamit.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Bonifacio Chavez, Kura Paroko ng Maria, Ina Ng Kapayapaan Parish, ang pagbabasbas sa outlet na matatagpuan sa Kasiglahan Village sa bayan ng Montalban Rizal.

Ikinatuwa ng pamunuan ng Caritas Manila -Segunda Mana sa pangunguna ni William Barry Camique ang mainit na pagtanggap ng mga residente ng Kasiglahan Village sa pagbukas ng segunda mana outlet lalo’t ito ang kauna-unahang community based outlet na binuksan.

“Its nice na unang araw pa lang natin may mga interesado nang beneficiaries na gusto maka-avail ng ating tulong,” pahayag Camique sa Radio Veritas.

Sinabi ni Camique na marami ang napupuntahan ng mga kinikita sa mga Charity outlet nito dahil bukod sa limang libong iskolar ng Youth Servant Leadership Program ng Caritas Manila (YSLEP), mahigit sa tatlong daang indibidwal ang mga nag uukay-ukay na mula sa sektor ng mahihirap ang nabigyan ng hanapbuhay.

Inihayag ni Camique na sa Diyosesis ng Antipolo kung saan sakop ang binuksang community based outlet ay may 70 scholar ito na pinag-aaral.

“Ang Segunda Mana na po ngayon ang nagbibigay ng primary source of funds para sa mga scholars ng Caritas Manila,” dagdag ni Camique.

SEGUNDA MANA EXPANSION
Inihayag din ni Camique na nais nitong palawakin pa ang paglalagak ng mga charity outlet sa buong bansa kung saan ibinahagi nito ang matagumpay na pagpapatakbo sa kauna-unahang outlet na binuksan sa sa Iloilo City.

Batay sa nakalatag na mga plano ng programa, magbubukas ito ng mga charity outlet sa Tanauan Batangas, Tagaytay at sa ilan pang malalaki at kilalang establisimiyento sa Central Luzon.

Umaasa rin si Camique na mailunsad ang Segunda Mana sa lalawigan ng Cebu at Tagum sa Mindanao upang higit mapalawak ang programa na makatutulong sa mga nangangailangang mamamayan sa buong Pilipinas.

“We are bringing the concept in Cebu next, definitely and hopefully bago talaga matapos ang taon ma-ilaunch ang Cebu dahil after Cebu we are looking into, we might launch in Tagum Davao so yun ang calendar plot namin sa Segunda Mana expansion to go nationwide,” ayon kay Camique.

Ang mga gamit na nabibili sa mga Segunda Mana charity outlet ay pawang donasyon mula sa mga organisasyon, mga kilalang personalidad, at mga kumpanya na kaisa sa adhikain ng Simbahan sa pagtulong sa mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 91,494 total views

 91,494 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 91,494 total views

 91,494 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 91,494 total views

 91,494 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 88,749 total views

 88,749 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 81,079 total views

 81,079 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top