Sentire cum Ecclesia – pakikidama sa buhay na simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,924 total reads

Ito ang napiling Episcopal motto ng ikalimang obispo ng Prelatura ng Infanta, si Bishop Dave Dean Capucao.

Hango ito sa adhikaing pastoral ng ikalawang obispo ng prelatura, Bishop Julio Labayen, Jr., OCD, na nagsulong ng tunay na Simbahang “Church of the Poor”—bilang pakikiisa at pakikibahagi sa buhay ng mga dukha.

Inspirasyon din ni Bishop Capucao si San Oscar Romero ng El Salvador, na pinili ang parehong motto bilang tanda ng paglilingkod sa mga inaapi, sa diwa ng sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos.

Sa ordinasyon at pagluluklok kay Bishop Capucao, binigyang-diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, sa kanyang pagninilay na ang episcopal motto ng bagong obispo ay hindi lamang pakikiisa sa Simbahan bilang institusyon, kundi pakikiisa mismo kay Kristo.

“Kung ang Simbahan ay Katawan ni Kristo, gaya ng turo ni San Pablo, ibig sabihin ang Sentire cum ecclesia ay sabay na Sentire cum Christo—to think to feel with Christ, to love with the love of Christ Himself… Kung anong iniisip, nararamdaman, at minamahal
ni Kristo—iyon din ang ating isipin, damhin, at mahalin,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal David.

Paliwanag pa ng kardinal, ang pagiging tunay na pastol ay nakaugat sa pagpapakumbaba at pagbubuhos ng sarili, o kenosis, tulad ng ginawa ni Kristo.

Iginiit din ni Cardinal David ang pamana nina Bishop Labayan at San Oscar Romero, na kapwa nag-alay ng buhay para sa mga dukha at inaapi.

Tagubilin naman ng kardinal kay Bishop Capucao ang pagiging mabuting pastol na mapagpakumbaba at nakikibahagi sa buhay na Simbahan.

“Ang pinakamahalagang aspeto ng pagiging obispo ay acompañamiento—ang apostolado ng pag-aantabay. Kakaibang klase ng pamumuno: hindi mo pinangungunahan ang pamayanan, hindi dumidikta kundi nakikipagkaisang-puso, nakikiramdam, nakikinig, nakikilakbay, nakikibahagi sa lakad ng bayan,” ayon kay Cardinal David.

Nagsilbing principal consecrator ni Bishop Capucao si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, habang co-consecrators naman sina Infanta Bishop-emeritus Bernardino Cortez at Caceres Archbishop-emeritus Rolando Tria Tirona, OCD.

Dumalo rin sa pagtatalaga ang ilang obispo mula sa Pilipinas, maging mula sa Diocese of Hiroshima, Japan at Busan, South Korea, kasama ang mga pari, madre, at mananampalataya ng prelatura, karatig-diyosesis, at mga kongregasyon.

Si Bishop Capucao ang kauna-unahang Pilipinong hinirang na obispo ni Pope Leo XIV noong May 16, 2025, bilang kahalili ni Bishop Cortez na nagretiro sa edad na 75.

Magpapastol ang bagong obispo sa humigit-kumulang 400,000 Katoliko mula sa 19 na parokya sa Northern Quezon at Aurora, katuwang ang mahigit 60 pari ng prelatura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 104,269 total reads

 104,269 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 189,650 total reads

 189,650 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 253,489 total reads

 253,489 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 333,866 total reads

 333,866 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 412,047 total reads

 412,047 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 223,067 total reads

 223,067 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top