Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Serbisyo, hindi bulag na pagsunod

SHARE THE TRUTH

 219 total views

Mga Kapanalig, hinirang ni Pangulong Duterte bilang bagong kalihim ng Department ng Social Welfare and Development o DSWD si Army Chief Lieutenant General Rolando Bautista. Siya ang magiging opisyal na kapalit ni dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo, na hindi kinumpirma ng Commission on Appointments noong nakaraang taon.

At gaya ng inaasahan, marami ang nagtanong: Angkop ba ang kasanayan at kakayahan ng isang dating heneral upang pamunuan ang isang ahensyang ang mandato ay tiyakin ang kapakanan (o welfare) at ang kaunlaran (o development) ng mga Pilipino, lalo na ng mahihirap? Akma ba ang kanyang background upang pangasiwaan ang mga programang katulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga serbisyo para sa mga kababayan nating biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon? Hindi kaya dapat ang hinirang ng pangulo ay isang social worker na nagsanay upang malaman ang angkop na serbisyo para sa mga nangangailangan?

Isa lamang si General Bautista sa maraming itinalaga ni Pangulong Duterte sa kanyang gabinete na ang track record ay pangasiwaan ang seguridad at panatilihin ang kaayusan ng ating bansa. Nariyan ang sinibak na administrator ng National Food Authority o NFA na si retired Army Major Jason Aquino. Sa Department of Environment and Natural Resources o DENR, kasalukuyang kalihim si retired general Roy Cimatu. Acting secretary naman ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang dating AFP chief na si Eduardo Año. Pinuno naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC si retired Brigadier General Ricardo Jalad. Sa Housing and Urban Development Coordinating Council naman, chairman si retired General Eduardo del Rosario.

Sa dami ng mga dating heneral at sundalo sa administrasyong Duterte, marami ang nagsasabing kapansin-pansin ang militarisasyon sa pamahalaan. Para kay dating DSWD Secretary Taguiwalo, bilang isang ahensyang nagtataguyod sa dignidad at karapatan ng mga Pilipino, ang DSWD ay dapat na bukás sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga programa nito. Mahirap asahan ang partisipasyong ito kung ang namumuno sa DSWD ay nasanay sa estilo ng pamamahala kung saan ang utos sa itaas ay dapat sinusunod ng mga nasa ibaba. Nabahala rin maging ang UP College of Social Work and Community Development lalo pa’t hindi naman kulang ng mga kuwalipikadong propesyonal na kayang pamunuan ang ahensya.

May ilang grupong konektado sa Simbahan katulad ng NASSA–Caritas Pilipinas at mga samahan ng evangelical groups katulad ng Philippine Council of Evangelical Churches at National Council of Churches in the Philippines na nagsabing maaaring makompromiso ng pagkakatalaga kay General Bautista ang pagbibigay ng mga serbisyo ng DSWD sa mga conflict areas, lalo pa’t may mga naiuulat na mga kaso ng paglabag ng militar sa karapatang pantao sa kanayunan at sa Mindanao na nasa ilalim ng martial law.

May katwiran ang mga naaalarma sa hinirang na bagong kalihim ng DSWD. Mahirap ihiwalay sa mga taong dating naglingkod bilang kasapi at pinuno ng ating Sandatahang Lakas ang paggamit ng puwersa para lamang mapanatili ang kapayapaan sa bansa. Gaya ng nasabi natin kanina, nasanay sila sa pamumunong walang dapat pumupuna, at sa pagsunod na walang dapat kinikuwestyon. At dahil dito, hindi maiiwasang ituring sila bilang mga taong kumikiling sa karahasan.

At para sa atin sa Simbahan, hindi kailanman magiging tugma ang karahasan sa pagsusulong ng kapakanan at tunay na paglago ng mga tao. Hindi mapapangalagaan ng mga nasa pamahalaan ang dignidad ng tao kung naniniwala silang sila lamang ang dapat na nasusunod. Hindi mabibigyan ng tinig ang mga nasa laylayan ng lipunan kung ang ating mga lider ay nahubog sa uri ng pagsunod na nakikinig lamang sa mga nakatataas sa kanila?

Mga Kapanalig, kasabay ng pagdadasal nating maliwanagan nawa ang mga namumuno sa ating pamahalaan, patuloy tayong maging mapagbantay at mapanuri sa bawat kilos nila.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,330 total views

 9,330 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,811 total views

 16,811 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 29,951 total views

 29,951 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 35,924 total views

 35,924 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 41,678 total views

 41,678 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 9,331 total views

 9,331 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 16,812 total views

 16,812 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 29,952 total views

 29,952 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 35,925 total views

 35,925 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 41,679 total views

 41,679 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,747 total views

 40,747 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,831 total views

 41,831 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,212 total views

 37,212 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,216 total views

 49,216 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,258 total views

 57,258 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,815 total views

 48,815 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,240 total views

 47,240 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,026 total views

 49,026 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,951 total views

 45,951 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,265 total views

 60,265 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top