One Million Children Praying the Rosary, live sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

“When one million children pray the rosary, the world will change.”

Ang naturang pahayag ni Saint Padre Pio ang naging inspirasyon ng Pontifical Foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need (ACN) upang isulong ang taunang programa nito na “One Million Children Praying the Rosary Campaign” na nagsimula noong 2005.

Inilunsad sa Pilipinas ang programa ngayong taon kung saan makikibahagi ang bansa sa Worldwide Prayer Event na nakatakda sa ika-18 ng Oktubre,2018.

Ayon kay Former Philippine Ambassador to the Holy See Henrietta de Villa at Chief Executive Officer ng ACN Philippines, layunin ng nasabing Prayer Campaign na sama-samang manalangin ng Santo Rosaryo ang mga kabataan para sa kapayapaan hindi lamang ng bawat pamilyang Filipino at sa pangkabuuang kapayapaan ng buong daigdig.

Pagbabahagi ni De Villa, makapangyarihan ang pananalangin ng mga kabataan kaya’t inaanyayahan partikular na ang mga mag-aaral at ang bawat pamilyang Filipino na makibahagi sa nakatakdang worldwide prayer event na pananalangin ng Santo Rosaryo.

“Inaanyayahan namin kayong lahat sa October 18 sisimulan yung kampanya ng Aid to the Church in Need na makatipon tayo ng isang milyong mga bata na magdadasal ng Rosaryo para sa ganun ay magkaroon ng kapayapaan sa mundo, kapayapaan dito sa ating bansa at kapayapaan sa bawat pamilya kasi ang panalangin ng mga bata ay matindi, matindi sa Panginoon kaya lahat kayo sa inyong bahay, tahanan sumali tayo at magdasal ng Rosaryo…” paanyaya ni de Villa sa panayam sa Radyo Veritas.

Nakatakda ang sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan sa darating na Huwebes, ika-18 ng Oktubre ganap na alas-nuebe ng umaga kung saan isagawa ang highlight event sa San Jose de Navotas Academy sa Diocese of Kaloocan na naglalayong makatulong sa mga kabataang naulila dahil sa war on drugs ng pamahalaan.

Kaugnay nito, umapela rin ng pakikibahagi para sa 1 Million Children Praying the Rosary Campaign dito sa Pilipinas si Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Ayon sa Obispo, magandang opurtunidad ang naturang kampanya upang sama-samang manalangin ang bawat isa partikular na ang mga kabataan ng Santo Rosaryo.

“Inaanyayahan ko po kayong lahat na makiisa sa kampanyang ito ng Aid to the Church in Need, One Million Children Prayer the Rosary together in different parts of the world at ang isa dito ay ang isang eskwelahan ng Diocese of Caloocan ang San Jose de Navotas Academy, please join us in prayer and please invite children to pray with us…” paanyaya ni Bishop David.

Sa inisyal na tala ng ACN Philippines, bukod sa mahigit 80 iba’t-ibang bansa na makikibahagi sa Worldwide Prayer Event ay nagkumpirma na rin ng pakikiisa ang may 777-mga paaralan at 1,289 na mga Parokya sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 10,762 total reads

 10,761 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 231,379 total reads

 231,379 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 266,052 total reads

 266,052 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,952 total reads

 281,952 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 317,690 total reads

 317,690 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 49,441 total reads

 49,441 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top