Pamahalaan hinimok ng Simbahan na tugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa pagkain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total reads

Ipinapanawagan ng Simbahan sa mga namumuno sa pamahalaan na pangunahan ang pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.

Batay sa Apostolic Letter ni Saint John Paul II na Novo Millennio Ineunte, nahaharap sa mga pagsubok ang bawat mamamayan sa kasalukuyang panahon tulad ng pagkakasalungat sa pang-ekonomiyang pananaw, kultura at iba pang saklaw ng pag-unlad na dahilan upang magdusa ang ilang mamamayan sa kahirapan.

Kaugnay dito, kasabay ng pagdiriwang ng United Nations Food and Agriculture Organization sa ika – 73 World Food Day, maglunsad ng pagkilos ang grupo ng mga magsasaka na Amihan, Bantay Bigas at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas upang ipakita sa kasalulukuyang administrasyon ang pagtutol sa mga polisiyang pang-agrikultura na ipinatutupad.

Kinundena ng grupo ang neoliberal na mga polisiya ng pamahalaan tulad ng pag-aangkat ng maraming produktong pang-agrikultura tulad ng bigas na lalong makasisira sa lokal na produksyon.

Walang food security, kung ito ay iaasa lang sa kung ano ang ipapadala ng ibang bansa sa atin,” bahagi ng pahayag ni Zenaida Soriano, ng Amihan.

Nanindigan itong nararapat palakasin ng pamahalaan ang programang pang-agraryo, pamamahagi ng mga lupang sakahan at pagpapaunlad sa sektor ng pagsasaka upang mapalakas ang lokal na produksyon at maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong ibinebenta sa mga pamilihan.

Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Station umabot sa 3.1 milyong mga pamilya ang nagugutom mula Hunyo hanggang Setyembre dahil sa labis na pagtaas ng presyo ng pagkain tulad ng bigas.

Panawagan ng grupo sa mamamayan na magkaisang tutulan ang mga maling polisiya na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil labis na naghihirap ang mga Filipino.

Sa panayam noon kay Batanes Bishop Danilo Ulep, hinimok nito ang bawat mamamayan na huwag umasa sa mga produktong nagmumula sa ibang mga lugar kundi nararapat pag-ibayuhin ang produksyon ng pagkain na matatagpuan lamang sa komunidad na kinabibilangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 10,677 total reads

 10,677 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 231,295 total reads

 231,295 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,968 total reads

 265,968 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,868 total reads

 281,868 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 317,610 total reads

 317,610 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top