Mananampalataya, hinimok ng Simbahan na paglingkuran ang kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total reads

Hinimok ng Simbahan ang mananampalataya na paglingkuran ang kapwa.

Hinihikayat ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga volunteer ng Social Services and Development Ministries ng iba’t ibang mga Parokya na pag-ibayuhin ang pagtulong sa kapwa.

“Pakiusap ko sa inyong lahat na ipagpatuloy ninyo ang inyong sigasig sa paglilingkod lalong lalo na sa mga dukha.” pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Binigyang diin sa pagninilay ng Obispo na higit kinalulugdan ng Panginoon ang mga mahihirap.

Ayon kay Bishop David, hindi nararapat na ang mga dukha bilang benepisyaryo lamang sa mga kawanggawa dahil mas higit silang nakapagbibigay sa Panginoon at sa kapwa lalo na sa paglilingkod.

Ayon sa ensiklikal ni Pope Emeritus Benedict XVI na Deus Caritas Est, dahil sa pagsusumikap ng mamamayan na makamit ang katarungan at pag-ibig sa kasalukuyang panahon, nabuo ang pagtutulungan ng estado at Simbahan sa pagtataguyod ng buhay ng bawat mamamayan.

Bukod dito, lumalago rin ang mga Charitable Institutions na layong makipagkaisa sa Simbahan sa pagtugon sa mga suliraning panlipunan na kinakaharap ng mga indibidwal kabilang na ang mga Volunteer Work na tungkuling tumulong sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo sa mamamayan.

Sa tala ng Caritas Manila, ang social action arm ng Archdiocese ng Maynila mayroon itong 3, 000 volunteers sa mga komunidad habang 12, 000 naman ang mga donors.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 90,254 total reads

 90,254 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 137,022 total reads

 137,022 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 184,893 total reads

 184,893 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 288,841 total reads

 288,841 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 370,895 total reads

 370,895 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top