Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Share our gifts and graces from God-CBCP

SHARE THE TRUTH

 386 total views

Nananawagan ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pagtuunan ng pansin ang mga kapus-palad na nangangailangan ng tulong.

Ayon kay CBCP-National Secretariat for Social Action/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, karamihan sa mga Filipino ang nangangailangan ng tulong at suporta na higit na naapektuhan ng umiiral na pandemya.

“Sana ay huwag nating makalimutan [na] marami sa ating mga kababayan ay nangangailangan ng ating tulong at tayong mga pinagpala ay may pananagutan para sa kanila,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Iginiit ng Obispo na ang pagtulong at pagbibigay ay hindi obligasyon at sapilitan kun’di ito’y dapat bukal sa puso na may pang-unawa at pagmamahal sa kapwa.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na katulad ng pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan ay nawa’y maipadama at maipaabot natin sa kapwa ang pagmamahal at pagmamalasakit na kanilang lubos na kailangan sa gitna ng mga suliraning nararanasan ngayon.

“Let us also share the gifts and the graces that we have received from God and I am sure [na] doble at mas marami pang babalik na biyaya ang ating matatanggap,” ayon sa Obispo.

Hinimok naman ng opisyal ang mananampalataya na patuloy na suportahan ang mga proyekto at programa ng Caritas Philippines sa pagtulong sa mga mahihirap at biktima ng iba’t ibang kalamidad.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 4,248 total views

 4,248 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 12,564 total views

 12,564 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 31,296 total views

 31,296 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 47,831 total views

 47,831 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 49,095 total views

 49,095 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 2,398 total views

 2,398 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 4,270 total views

 4,270 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 9,161 total views

 9,161 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 11,215 total views

 11,215 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top