Mamamayan, hinimok na makiisa sa Alay Kapwa program ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total reads

Sapat ang kayamanan ng mundo para sa lahat ng tao.

Ito ang binigyan diin ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa isinagawang Radio Veritas at Caritas Manila Alay Kapwa Telethon ngayong araw.

Ayon sa obispo, bawat isa ay hinihikayat na magbahagi ng kanilang biyaya para sa mga higit na nangangailangan lalu na ngayong patuloy na naapektuhan ang marami dulot ng pandemic novel coronavirus.

“Lalung-lalo na ngayong panahon ng pandemic kailangan po talaga nating magtulungan tayo. Kasi ang daming mga tao ang talagang nahihirapan nawalan ng pagkain dahil sa walang trabaho,” ayon kay Bishop Pabillo.

Hiling din ng obispo sa bawat isa na huwag magsawa sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan na pinalubha pa ng pandemya.

“Let us look at ourselves as instrument of God’s love for the people yung pagtutulungan,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Hinimok din ng obispo ang lahat na iwaksi ang donor fatigue lalu’t hindi naman kasalanan ng publiko ang pandemya.

“As long as we are able let us try to help them. At ang Diyos ay hindi naman magpapabaya sa atin.” Panawagan ng Obispo

Sa pinakahuling panuntunan ng Inter-Agency Task Force, muling isinailalim sa mahigpit na panuntunan ang National Capital Region, mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng virus.

Hinikayat din ni Caritas Philippines-national director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mananampalataya na makiisa sa ‘Alay Kapwa’ ng simbahang katolika.

Ang Alay Kapwa ay bahagi ng programa ng simbahan nagsimula pa noong Kwaresma na makalikom ng pondo para sa pagbibigay ng tulong sa mga posibleng biktima ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol, sunog at maging sa epekto ng pandemya.

“Kaya panawagan natin sa ating Alay Kapwa ay ating nagagamit at ating ibinibigay kapag may calamities at disasters kaya yung ating panawagan na sa pamamagitan ng ating Alay Kapwa natutulungan natin ang ating kababayan at maaring pagdating ng panahon tayo rin ang mangangailangan ng tulong mula sa Alay Kapwa. Kaya ‘yan ang ating panawagan lalung-lalo na ngayong Kuwaresma na mag-alay tayo para sa ating kapwa,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Isinagawa naman ng Caritas Manila at Radyo Veritas ang Alay Kapwa Telethon ngayong araw na nagsimula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Sa mga nais na magbahagi ng tulong ay maaring magpadala ng kanilang donasyon sa Caritas Manila bank accounts: Acct. Name: Caritas Manila Inc BPI Peso S/A # 3063 5357 01 BPI Dollar S/A # 3064 0033 55 BDO Peso S/A #: 000560045905 Metrobank Peso S/A # 175 3 17506954 3.

Dagdag pa ni Bishop Bagaforo, bahagi ng pananampalatayang kristiyano ngayong Semana Santa ang panawagan hindi lamang para sa pananalangin at pag-aayuno kundi higit ay ang pagkalinga sa kapwa.

Ipinaliwanag ng Obispo na magiging makahulugan ang pananampalataya kung ito ay may kaakibat na pagmamalasakit sa kapwa lalu na sa nangangailangan.

Kabilang sa mga apektado ng ECQ ang pagkakakitaan ng mga nawalan ng pagkakakitaan kasama na ang mga non-essential workers.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,338 total reads

 19,338 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,465 total reads

 19,465 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 35,209 total reads

 35,209 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 91,615 total reads

 91,615 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 215,116 total reads

 215,116 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 298,777 total reads

 298,777 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 19,339 total reads

 19,339 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 19,466 total reads

 19,466 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top