4,478 total views
Pinaalalahanan ng opisyal ng Vatican ang mananampalataya na hatid ni Hesus ang bagong buhay at pag-asa para sa bawat isa.
Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa misang ginanap sa Saint Michael the Archangel Parish sa Jagna Bohol sa unang araw ng 130th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Sinabi ni Archbishop Brown na si Hesus ang tumatanglaw upang kamtin ng sangkatauhan ang pag-asang dulot ng kanyang mga sakripisyo.
“Hope is always pointed to the future. Hope is always about something new. We hope about the future—what is new. Hope is confidence in newness. Hope is confidence in what is coming, what is new,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.
Binigyang diin ng nuncio na ang mga kristiyano ay kawang puspos ng kagalagakan at pag-asa sa kinabukasan.
Inalala ni Archbishop Brown ang namayapang Pope Francis na nag-iwan ng mensahe ng pag-asa sa kanyang paglisan noong April 21 o Easter Monday lalo’t pinasimulan nito ang pagdiriwang ng simbahang katolika sa Jubilee Year of Hope.
Tinuran ng arsobispo na ang pagkahalal kay Pope Leo XIV ay patunay ng pagpapatuloy ng simbahan sa paghahatid ng pag-asa sa kristiyanong pamayanana.
“We mourn the loss of our beloved Holy Father, Pope Francis. His pontificate comes to an end in that beautiful moment of Easter Monday, that moment of new life, then a new pope for a new era, the youngest pope we’ve had in the last 35 years, Pope Leo XIV. So, we have this continuous newness of the Church. She is always renewing herself,” giit ni Archbishop Brown.
Paalala ng arsobispo sa mananampalataya na ipagdiwang nang buong kagalakan ang diwa ng pag-asa batay sa Bull of Indiction ni Pope Francis na nagdeklarang Holy Year of Jubilee ang 2025 sa temang ‘Spes non Confundit’ o ‘hope does not disaappoint’.
Katuwang ni Archbishop Brown sa pagdiriwang ng banal na misa sa unang araw ng plenary assembly sina Military Bishop Oscar Jaime Florencion at Alaminos Bishop Napoleon Sipalay, Jr.
Kasalukuyang isinasagawa ang CBCP Plenary Assembly sa Anda, Bohol na bahagi ng Diocese of Talibon mula JUly 5 hanggang 7.