288 total views
Kailangang mas paigtingin pa ng Simbahan ang mga programa para sa mga mag-asawa upang mapangalagaan ang ‘sakramento ng kasal’.
Natitiyak ni Arcbishop Oscar Cruz, Judicial Vicar of the National Tribunal Appeals na sa pamamagitan nito ay maitataas ang pagkilala sa pinakadalisay at pinakamalalim na sakramento.
Inihayag ng arsobispo na dapat ding maidagdag sa pre-nuptial investigation ang mga sitwasyon na maaring harapin ng mag-asawa at kung ano kanilang tugon dito at hindi lamang simpleng impormasyon tungkol sa bawat isa tulad ng pangalan, edad at tirahan.
Iginiit ni Arcbishop Cruz na sa ganitong paraaan ay malalaman ng bawat isa ang kanilang tungkulin bilang mag-asawa at ang pagpapahalaga sa kasal na kanilang susuungin.
Naniniwala din si Archbishop Cruz na ang usapin sa paglaki ng bilang nang pagsasama ng walang kasal ay dahil sa pagbabago ng pagtingin sa kasal lalu’t iniuugnay ito sa malaking gastusin.
Tinukoy din ng Arsobispo ang paggaya sa kultura mula sa kanluran.
“I can pin-point two reasons, the Filipinos equated marriage with parties, with reception with balloons, cakes and ceremonies. Ergo, the poor, no longer undergo marriage because they can’t afford it. The other naman is the envisioned of culture from the west especially from the states, in the states you married now, you can divorced tomorrow. Anything is possible. So that envision of ideas and thoughts contribute to our Filipino de-culturization on the matter of marriage,” pahayag ni Archbishop Cruz sa Radio Veritas.
Sa 2015 Philippine Statistics Authority, naitala na 1,135 ang nagpakasal kada araw; 42 percent ay sa pamamagitan ng civil wedding habang 36 percent naman ang nagpakasal sa simbahan.
Ang bilang na ito ay bumaba ng 20 porsiyento simula taong 2005.