Restorative justice, pairalin sa bansa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

Hinamon ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pamahalaan at mga mambabatas na pairalin ang restorative justice sa halip na “vindicative justice” tulad ng muling pagsasabatas ng death penalty sa bansa.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, ito ang nararapat na isulong na alternatibo ng pamahalaan sa halip na patawan ng parusang kamatayan ang mga nagkasala sa lipunan.

“Yung death penalty is not right at gusto namin bigyang diin yung posisyon ng restorative justice, no to death penalty and yes to restorative justice at binibigyan din namin ng diin yung dignidad ng bawat tao, yung dignity muna ang pro-life position tungkol dito sa issue ng death penalty.” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, umaapela ng pakikiisa at suporta ang Arsobispo sa isinasagawang 21-araw na “Lakbay-Buhay” march-caravan laban sa death penalty sa pangunguna ng multi-sectoral groups, CBCP-NASSA/Philippines,Sangguniang Laiko ng Pilipinas, CBCP-Episcopal Commission on the Laity, Radio Veritas.

Iginiit ni Archbishop Ledesma na hindi lamang mga Senador at mga Kongresista ang dapat na maimulat ang kaisipan tungkol sa usapin kundi maging ang mga mamamayan na patuloy na naniniwalang ang pagbabalik ng parusang kamatayan ang solusyon sa kriminalidad sa lipunan.

“Hindi lamang sa mga Senators pati dun sa ating mga tao mismo para malaman din nila ang kahalagahan ng human dignity para sa lahat…” dagdag pa ni Archbishop Ledesma.

Pinangungunahan ng 14-na-Lakbayistas ang Lakbay-Buhay Pilgrimage na layong himukin ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang mga bayan, probinsya at lalawigan na madaraanan na suportahan ang adbokasiya para sa paninindigan sa buhay laban sa isinusulong na pagbabalik ng parusang kamatayan.

Kinumpirma naman ni Archbishop Ledesma sa Radio Veritas ang inihahandang liham ng arkidiyosesis para sa mga Senador na nagsasaad ng kanilang paninindigan laban sa Death Penalty Bill.

Una nang tiniyak ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na mas lalo pang isusulong ng kumisyon ang kampanya nito laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa kabila ng pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi maipasa sa Senado ang panukalang batas dahil sa 13 mula sa 24 na mga Senador ang hindi sang-ayon dito.

Noong ika-4 ng Mayo 2017, sinimulan ang 21-araw na Lakbay-Buhay pilgrimage March/caravan sa Archdiocese ng Cagayan de Oro na magtatapos sa ika-24 ng Marso sa Senado.

Read: http://www.veritas846.ph/21-araw-na-lakbay-buhay-pilgrimage-suportado-ng-multi-sectoral-groups/

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,263 total reads

 27,263 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 51,248 total reads

 51,248 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 90,251 total reads

 90,251 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,379 total reads

 124,379 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,785 total reads

 180,785 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,264 total reads

 27,264 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top