Simbahan, handang makipagtulungan kay Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,426 total views

Tiniyak ni Caritas Philippines na bukas ang Simbahan sa pakikipagtulungan sa bagong administrasyon basta’t ito ay para sa kapakanan ng taongbayan at hindi magdudulot ng paglabag sa karapatang pang-tao o pang-aabuso.

Ito ang inihayag ni Rev.Fr. Edu Gariguez, Executive Director ng Caritas Philippines matapos ang halalan kung saan posible na ang panalo sa pagka-pangulo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte habang dikit naman ang laban sa pagitan nina Senator Bongbong Marcos at Congresswoman Leni Robredo para sa pagka-pangalawang Pangulo.

Ayon kay Father Gariguez, ang paghalal ng bagong pinuno ay simula pa lamang ng hinahangad na pagbabago at ang tunay na katuparan ay kinakailangan pagtutulungan at pagkakaisa mula sa bawat sektor at mamamayan.

Sinabi ng Pari na susuportahan ng Simbahan ang mga programa para sa ikabubuti ng mahihirap, pangangalaga ng kalikasan at karapatang pantao.

“Vigilant Collaboration… hindi lang basta pakikipaghtulungan sa Pamahalaan kundi pagbabantay na may mpakikipagtulungan. Sisigaraduhin natin na ang isinusulong na plataporma at mga panuntunan o programa ng gobyerno ay para sa kabutihan ng mga mamamayan at hindi para sa sariling interes ng mga nanunungkulan.Yung vigilant collaboration ito ang laging maiaalay ng Simbahan kung sino man ang manalo, kung sino man ang nakaupo.”pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radio Veritas.

Hinimok din ni Fr. Gariguez ang lahat na magsikap para sa pagkakaroon ng maunlad at mapayapang bansa.

“Lahat tayo gusto ng pagbabago, ang paghahalal ng pinuno ay isang paraan lang ng pagbabago pero lahat tayo ay kinakailangan mag-ambag ng ating kakayahan at magtulong-tulong hindi natatapos sa eleksyon o sa pagpapalit ng administrasyon ang pagbabago.”giit ng 2012 Goldman Prize Awardee.

Magugunitang nanawagan ng pagkakaisa at pagsulong ang CBCP ganun na rin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Batay sa datos umabot sa 40 milyong Pilipino ang bumoto sa katatapos lamang na halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 54,664 total views

 54,664 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 179,075 total views

 179,075 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 221,175 total views

 221,175 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 298,577 total views

 298,577 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 79,327 total views

 79,327 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top