Simbahan, hinamon na paigtingin ang pangangalaga sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 381 total reads

Hinamon ni Sr. Maria Juanita Daño, Religious of the Good Shepherd ang simbahan na paigtingin pa ang mga gawaing nangangalaga sa mga mahihirap.

Ayon kay Sister Daño, bagamat marami nang programa ang Simbahang Katolika na tumutulong sa mga nangangailangan ay tila kulang pa rin ito sa dami ng mga dukhang patuloy na nangangailangan ng pagkalinga.

Inihayag ng Madre na bukod sa pagbibigay ng tulong, mahalaga din na maturuan ang mahihirap kung paano mamuhay ng marangal at mapataas ang kanilang kamalayan tungkol sa tunay na nangyayari sa kanilang lipunan.

Naniniwala si Sister Daño na sa pamamagitan ng edukasyon ay maimumulat ang mga mahihirap at matuturuan kung paano makakaiwas sa dumaraming bilang ng mga biktima ng extra judicial killings o napapaslang mula sa mga police operations.

“Challenge ko sa simbahan na not just dole out, or not just give them what they need, but they have to educate [them]. Kasi ang nangyari sa amin kaya kami nakapag file ng case [Writ of Amparo] sa Supreme Court kasi nag-one-on-one talaga ako ng family, tapos yung mga layko namin binabalik-balikan naming hanggang nakakuha kami ng signature, and nagpa-training,” pahayag ni Sr. Daño sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinamon ni Sr. Daño bawat Filipino na huwag matakot, at alamin ang mga batas na maaaring magprotekta sa buhay ng mamamayan laban sa lumalaganap na karahasan sa bansa.

“Since October 2017 nang nagsampa kami ng case [Writ of Amparo], wala nang pinatay so far, aba sabi nila nabunutan sila ng tinik, at the same time sabi naming, oo nga nabunutan kayo but kayo din kailangan nyong gawin yung assignment nyo na kung may mga tao kayong lulong sa droga ipatulong niyo rin sa amin,” dagdag pa ng Madre.

Matatandaang noong Oktubre taong 2017, nag-file ng Writ of Amparo si Sr. Daño sa Korte Suprema upang hilingin ang seguridad hindi lamang ng kanyang buhay kundi maging ng mga Barangay na maisasama sa kanilang petisyon.

Ang Writ of Amparo ay may pangunahing layunin na protektahan ang sinumang maghahain nito sa Korte Suprema laban sa banta sa kanyang buhay, kalayaan at seguridad ng mga opisyal o kawani ng pamahalaan.

Idinulog ito ng madre kasama ang iba pang 39 na petitioners upang hilingin ang proteksyon ng 26 na kapitan ng mga barangay sa San Andres Bukid kasama na ang mga residenteng nasasakupan ng mga naturang Barangay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,973 total reads

 31,973 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 68,698 total reads

 68,698 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 86,909 total reads

 86,909 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,237 total reads

 171,237 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,170 total reads

 207,170 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,124 total reads

 378,124 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top