Simbahan, ipinagtanggol ng dating pangulo ng IBP.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total reads

May karapatan ang mga testigo sa anumang kaso na mamili kung anong institusyon o grupo nila ipagkakatiwala ang kanilang kustodiya habang isinasagawa ang paglilitis.

Ito ang pahayag ni Atty. Rosario Setias-Reyes, former President ng Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa usapin ng kustodiya ng mga menor de edad na testigo sa pagkamatay ng 17-taong gulang na si Kian Loyd delos Santos sa isinagawang Operation Galugad ng Caloocan City Police sa Barangay Sta. Quiteria noong ika-16 ng Agosto.

Ayon kay Atty. Reyes, may kalayaan at bahagi ng karapatan ng mga testigo na mamili ng kanilang institusyong pagkakatiwalaan na magbigay proteksyon sa kanilang kaligtasan at buhay.

“The right to life and liberty is a constitutionally guaranteed right that belongs to any citizen of this country. I believe, subsumed in that right is the freedom of choice to seek assistance for protection especially if he/she perceives there is danger to his or her life…”pahayag ni Atty. Setias-Reyes sa panayam sa Radio Veritas.

Sa kabila nito, kinakailangan naming may sapat at naaangkop na kakayahan ang mapipiling institusyon o grupo ng mga testigo na tunay na pangalagaan at proteksyonan ang kanilang kapakanan mula sa anumang banta ng kapahamakan.

Kaugnay nito naging kontrobersyal ang pananatili sa Diocese of Caloocan ng kustodiya ng mga menor de edad na testigo sa kaso ni Kian Delos Santos mula sa tangkang pagbibigay ng ama ng mga bata sa kustodiya ng mga ito sa Public Attorney’s Office, Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at PNP-Criminal Investigation and Detection (PNP-CIDG).

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar bagamat kinikilala ng Malacañang ang pagnanais ng mga testigo na mapasailalim sa proteksyon ng Simbahan ay nasasaad sa ilalim ng wastong proseso sa batas na dapat mapunta sa pamahalaan ang kustodiya ng mga testigo bunsod ng Witness Protection Program sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Gayunpaman, nanindigan rin si incoming CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na handa ang Simbahang magbigay proteksyon at paggabay sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong lalo na laban sa anumang banta ng panganib.

Read: Simbahan bukas ang pintuan sa mga nangangailangan ng tulong

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 51,564 total reads

 51,564 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 85,214 total reads

 85,214 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 187,039 total reads

 187,039 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 227,598 total reads

 227,598 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 246,050 total reads

 246,050 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 50,230 total reads

 50,230 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top