Simbahan, nababahala sa pagiging pinakamapanganib na bansa ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 773 total reads

Nakalulungkot sa isang Katolikong bansa na mataguriang nangunguna sa pinakamapanganib na bansa sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Ayon kay Fr. Edu Gariguez-executive secretary ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace/Caritas Philippines, ito ay hindi lamang sa mga environmentalist kundi maging ang pagpaslang sa mga human rights defenders.

“Yun nga po ang nakakapagpabagabag. Parang wala ng konsensiya ang mga taong gumagawa niyan, at sa likod ng mga hired killers na mga yan ay yung may mga interes na nasa likod na pino-protektahan. Kagaya ng mga may-ari ng lupa na malalaki, kagaya ng mga nasa likod ng proyekto ng mga minahan at eto’y mga tao din na sabi nga natin ay mananampalataya din at mga Kristiyano din,” ayon kay Fr. Gariguez.

Sa ulat ng Global Witness watchdog para lamang sa taong 2018 may 30 ang naiulat na pagpaslang sa Pilipinas.

“Kaya parang, kung ganito ang nangyayari, sumasalamin ito sa hindi magandang kultura ng pagpatay. Sampal din satin bilang Kristiyanong bansa, hindi natin naisasabuhay yung pagpapahalaga sa buhay. Kasi nga yung pro-life na sinasabi natin na paninidigan para sa buhay, hindi lang para dun sa mga bata na hindi pa naisisilang, kundi yung kabuuan ng buhay,” dagdag pa ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radio Veritas.

Bagama’t nakakabagabag, tiniyak naman ni Fr. Gariguez na magpapatuloy ang mga nakikibaka para pangalagaan ang kalikasan maging ang mga nagtatanggol sa kanilang mga lupaing sakahan.

Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagpaslang ayon kay Fr. Gariguez ng pagpaslang ay development, pagtatanggol sa mga lupang mana, at mga lupang sakahan.

Serye ng pagpaslang sa Negros

Inihayag din ni Fr. Gariguez na nakikipag-ugnayan na rin ang Caritas Philippines sa social action centers sa Negros dahil sa sunod-sunod na patayan na nagaganap sa isla.

Nakikiisa rin ang pari sa panawagan nina San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; Dumaguete Bishop Julito Cortes, Bacolod Bishop Patricio Buzon at Kabankalan Louie Galbines sa pagpapatunog ng mga kampana bilang panawagan sa mga nasa likod ng pagpaslang na mapukaw ang puso at magbalik loob sa Panginoon.

Kaugnay nito, hinimok ng Pari ang pamahalaan na gumawa ng mga hakbang upang matigil na ang culture of impunity sa bansa.

“Dahil tayo nga ay humihiling ng katarungan at sana naman ay gumawa ng nararapat ang pamahalaan at gobyerno para naman matigil yung pagpatay dahil nga sa atin ay mahalaga ang buhay.Talagang napakasama ng larawan ng ating bansa sa buong mundo. Lalo’t higit pa kung ang gobyerno mismo ay may kinalaman kaya hindi mabigyan ng control, hindi mapigil ang ganitong mga karumal-dumal na pagpatay,” ayon pa sa pari.

Tiniyak ng pari na patuloy na magiging kaakibat ng mamamayan ang simbahang katolika sa anumang uri ng paniniil bilang bahagi ng paglilingkod sa Diyos at sa simbahan.

Sa loob lamang ng sampung araw, 21 katao ang napatay sa Negros Occidental mula sa kabuuang 74 na pinaslang simula noong taong 2017.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,164 total reads

 10,164 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,675 total reads

 49,675 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 84,975 total reads

 84,975 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,244 total reads

 311,244 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,009 total reads

 204,009 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,551 total reads

 7,551 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top