Pinagpala ang mga inuusig at maling pinaparatangan-Bishop Dimoc

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 917 total reads

Nakikiisa ang Apostolic Vicariate ng Bontoc-Lagawe sa mga Obispo at paring pinaratangan ng pakikipagsabwatan sa planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.

Kabilang si Bishop Valentin Dimoc sa nakiisa sa ginanap na misa para sa Katotohanan, Katarungan, at Kapayapaan; at candlelight procession sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan, city.

“We express our solidarity with Abp. Soc and with other accused Bishops and Priests. Reflecting on their situation, the words of Jesus Christ is our only consolation,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Dimoc sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Dimoc na pinagpapala ang mga iniuusig at maling pinaparatangan dahil ang mga ito ay tatanggap ng gantimpala sa kalangitan.

“Blessed are you when people insult you, persecute you and falsely say all kinds of evil against you because of me. Rejoice and be glad, because great is your reward in heaven, for in the same way they persecuted the prophets who were before you,”paglilinaw ng Obispo.

Ang hakbang ay bilang pagpapahayag ng suporta at paninindigan para sa mga lingkod ng simbahan na isinasangkot sa kasong sedisyon ng PNP-Criminal and Investigation Detection Group partikular kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Naunang nanawagan si Bishop Dimoc sa mga Archdioese, Diocese, Parishes at Congregations na magsagawa ng prayer assemblies bilang suporta sa inuusig na pari at Obispo.

Read: Time to respond!

Ang panawagan ni Bishop Dimoc ay tinugon ng Diocese of Cubao, Diocese of Balanga at Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Read: 3-buwang pagpapatunog ng kampana, sinimulan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan
Prayer vigil para sa mga inuusig na Obispo at Pari, isasagawa ng Diocese of Balanga at Cubao

Bukod kay Archbishop Villegas, kabilang din sa 35 iniuugnay sa kaso sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop- emeritus Teodoro Bacani Jr.; CBCP-vice president kalookan bishop Pablo Virgilio David at tatlo pang mga pari.

Una na ring nagpahayag ng suporta ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), Sangguniang Layko ng Pilipinas at ang Couples for Christ-Foundation for Family and Life sa mga obispo at paring isinangkot sa kasong sedisyon.

Read: CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case
130 Lay Organizations, naninindigan para sa mga inuusig na lider ng Simbahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,214 total reads

 8,214 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,802 total reads

 47,802 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,114 total reads

 83,114 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,383 total reads

 309,383 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,257 total reads

 202,257 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,377 total reads

 7,377 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top