Mananaig ang Katotohanan-Archbishop Villegas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total views

Nananatili at patuloy ang pagmamahal sa bayan.

Ito ang mensahe ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kabila ng kinakaharap na kasong sedisyon na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kasama ang 35 iba pang indibidwal.

Umaasa rin ang arsobispo na magiging patas at malinis ang imbestigasyon upang maisiwalat ang katotohanan na inosente ang mga kinatawan ng simbahan sa maling paratang.

“If the process will be fair and truthful I know the authorities would see it through. Mahal na mahal ko pa rin ang bayan sa kabila ng lahat,” pahayag ni Archbishop Villegas sa ginanap na misa para sa Katotohanan, Katarungan, at Kapayapaan sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan, city.

Read: 3-buwang pagpapatunog ng kampana, sinimulan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan

Nagpapasalamat naman si Archbishop Villegas sa mga mananampalataya, pari, relihiyoso at relihiyosa sa kanyang diyosesis na nagbigay ng suporta at nanindigan sa mga inaakusahang lingkod ng simbahan.

Sa mensahe ng arsobispo sinabi nito na ang pagmamahal ng mga mananampalataya sa mga Obispo ang nagbibigay ng lakas sa kanilang mga nakakaranas ng pag-uusig sa pamamagitan ng maling bintang.

Giit pa ni Archbishop Villegas, walang katotohanan ang mga ipinaparatang sa kanila at kailan man ay hindi siya makikisangkot sa ganitong uri ng krimen.

“I never imagined I would be ever accused a crime of sedition and even receive a subpoena to explain. The good Lord knows I am innocent of the crime. I am not a political troublemaker. My parents taught me to be law abiding,” bahagi ng mensaheng ipinaabot ni Archbishop Villegas.

Ika-31 ng Hulyo nang isagawa ang misa na sinundan ng pananalangin at prusisyon ng mga mananampalataya sa arkidiyosesis.

Read: Pinagpala ang mga inuusig at maling pinaparatangan-Bishop Dimoc
Prayer power

Ang misa ay pinangunahan ni Lingayen, Dagupan Auxiliary Bishop Fidelis Layog, kasama si Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

Una na ring nagsagawa ng misa ang Diocese ng Cubao at Diocese ng Balaga, Bataan bilang paninindigan at pagsuporta sa mga inakusahang lingkod ng simbahan.

Bukod kay Archbishop Villegas, kabilang din sa 35 iniuugnay sa kaso sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop- emeritus Teodoro Bacani Jr.; CBCP-vice president kalookan bishop Pablo Virgilio David at tatlo pang mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 218,894 total views

 218,894 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 249,118 total views

 249,118 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 275,762 total views

 275,762 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 370,735 total views

 370,735 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 377,595 total views

 377,595 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,926 total views

 346,926 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top