Simbahan, nagluluksa sa pagpanaw ni Bishop Oliveros

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total reads

Nakikiramay at nakikiisa sa pagluluksa ang Diocese ng San Jose Nueva Ecija sa pagpanaw ni Malolos Bishop Jose Oliveros sa edad na 71.

Hinikayat din ni San Jose Bishop Robert Mallari ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang namayapang obispo na pumanaw matapos ang mahabang pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Si Bishop Oliveros ay na-diagnose na may prostate cancer taong 2015.

Ayon kay Bishop Mallari, kahanga-hanga ang pagiging matatag ng namayapang Obispo na sa kabila ng kanyang karamdaman ay patuloy na nagpapakatatag para pangasiwaan ang Diocese ng Malolos.

“Sa kabila ng kaniyang mahabang taon ng kaniyang pagkasakit, ang kaniyang cancer. Makita mo talaga, patuloy siyang lumalaban at ipinagkakatiwala ang sarili sa Diyos,” ayon kay Bishop Mallari.

Taong 2017 ipinagdiwang ang World Apostolic Congress on Mercy o WACOM 4 kung saan kabilang ang Diyosesis ng Malolos sa mga naging punong abala.

“I remember him most especially noong nag-host sila ng international convention on the Divine Mercy sa Malolos. He was there kahit may sakit siya. Nakakatuwa sa kanya ‘yung always up. Kahit may sakit siya he is always up. He is there kahit nakaupo lang sa mga celebration but he is there,” ayon pa sa Obispo.

Noong April 30, pinangunahan din ni Bishop Oliveros ang ‘Episcopal ordination’ ni Bishop-elect Bartolome Santos na itinalaga ng Santo Papa Francisco bilang bagong Obispo ng Iba, Zambales.

Ayon sa ipinadalang mensahe ni Msgr. Pablo Legazpi Jr., Vicar General ng Diocese ng Malolos, alas-9 ng umaga nang pumanaw ang Obispo.

Si Bishop Oliveros ay isinilang sa lalawigan ng Quezon noong September 11, 1946, inordinahang pari noong 1970.

Siya ay inordinahan at itinalagang Obispo ng Boac, Marinduque ni Pope John Paul II taong 2000 at matapos ay itinalagang obispo ng Diyosesis ng Malolos noong 2004.

Ikinalulungkot din ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos,chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pagpanaw ni Malolos Bishop Jose OIiveros.

“Nakikiisa kami at nanduon ang aming pakikiramay at pakikidalamhati sa Diyosesis ng Malolos. Nakakalungkot ang balita pero ang Diyos hindi nagpapabaya,” ayon kay Bishop Santos.

Tiniyak naman ni Bishop Santos ang pag-aalay ng panalangin para sa namayapang obispo.

Nagpapaabot din ng pakikiramay si Bishop Santos sa mga buong Diyosesis ng Malolos sa pagpanaw ni Bishop Oliveros.

“Nakakalungkot na balita at sasabihin ko sa aking mga pari at sa aming mga misa iaalay namin sa kaniya. Nawalan tayo ng ama, nawalan ang Bulacan ng isang ama. Pero alam naman natin na siya ay tinanggap, pinapasok, inanyayahan ngayon sa ating tunay na Ama sa langit. Nakakatiyak naman ang obispo na nasa mabuting kalagayan na si Bishop Oliveros sa tahanan ng ating Ama sa langit.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 87,946 total reads

 87,946 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 121,645 total reads

 121,645 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 156,944 total reads

 156,944 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 383,214 total reads

 383,214 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 272,002 total reads

 272,002 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,158 total reads

 13,158 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top