Taumbayan, hinimok na isulong ang panlipunang katarungan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 332 total views

Hinihikayat ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Filipino na isabuhay ang ating pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng pakikiisa at pagtulong sa ating kapwa.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity kabilang sa panawagan ng ating pananampataya sa Diyos ay ang pagsusulong ng panlipunang katarungan.

Ito ay kaugnay na rin sa lumabas na pag-aaral ng Gallup International noong 2017 mula sa sa may 68 bansa.

Sa tala pang-lima ang Pilipinas sa mga bansang pinaka-relihiyoso na nakakuha ng 90 percent; kung saan nangunguna ang Thailand na may 98 percent; pangalawa ang Nigeria 97 percent; sunod ang Kosovo, India, Ghana, Ivory Cost at Papua New Guinea 94 percent; ang Fiji at Armenia na 92 percent.

“Pero kung ang ibig sabihin ng relihiyoso na manindigan sa karapatan ng bayan kasi yan din ang sinabi ng Diyos he wants justice para tulong sa mahihirap may malaking pagkukulang pa rin tayo diyan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Iginiit Obispo na marami pa rin sa mga nagsisimba ay hindi naninindigan para sa mahihirap.

Base rin sa pag-aaral, 83 percent ng mga respondent na mababa ang pinag-aralan, at 66 percent din sa mga ito ay ‘low income earners’.

Ayon sa Obispo, may mga mayayaman at matataas ang pinag-aralan ang naniniwalang hindi na kailangan ang Diyos habang ang mga mahihirap at kapos sa pag-aaral ay tanging umaasa sa awa at kalinga ng Diyos.

“Yung mga mahihirap na wala nang pagkakapitan ay kumakapit sa Diyos. At nakikita din natin hindi lamang sa Pilipinas kahit na sa Europa nung sila ay nasa kahirapan ay talagang madasalin din sila at ng umangat sila nakalimutan na nila ang Diyos,” ayon sa obispo.

Sa isang mensahe ni Pope Francis sa Vatican, binigyan diin nito na ang pagkalinga sa mga dukha ay pagpapahayag ng tunay na pananampalataya.

Sinabi ng Santo Papa Francisco na ang tunay na kristiyano ay mayamaman sa pananampalataya, sa salita, kaalaman at sigasig- na mula sa turo ni Hesus na siyang dapat ay ibinabahagi sa ating kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 13,553 total views

 13,553 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 83,665 total views

 83,665 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,279 total views

 158,279 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,358 total views

 238,358 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,090 total views

 281,090 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top