170 total views
Nakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagdiriwang ng Ramadan, ang banal na araw ng mga Mulism.
Magsisimula ang Ramadan o 30-araw na pag-aayuno ng mga Muslim sa ika-27 ng Mayo hanggang ika-25 ng Hulyo.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, iginagalang ng Simbahan ang banal na pagdiriwang ng mga Muslim.
Umaasa ang Obispo na gabayan ang bawat isa sa kanilang panalangin para sa pagbabalik loob at pagbabago ng puso.
“Kami po sa Simbahang Katolika ay nakikiisa sa mga kapatid nating muslim sa pagsisimula ng Ramadan na ito po ay panahon ng pagsisisi, panahon ng pagninilay, panahon panalangin. Gabayan niyo po ang aming mga kapatid na gumagawa ng Ramadan sa pagbabago ng puso sa panahong ito,”pahayag ni Bishop Pabillo.
Sa 2011 report ng Philippine Statistics Authority (PSA), may limang pangunahing relihiyon sa bansa kung saan tinatayang 82.9 na porsiyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko habang nasa 4.6 na porsiyento naman ang mga Muslim.