Simbahan, tiniyak ang pagiging kanlungan ng mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,626 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahang Katolika saan mang panig ng mundo upang magsilbing kanlungan ng mga mananamapalataya lalo’t higit ng mga Pilipino na naghahanapbuhay at naninirahan sa ibayong dagat.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa -chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Vocation sa nakalipas na paggunita ng diyosesis sa 110th World Day of Migrants at Refugees at 38th National Migrants Sunday.

Ayon sa Obispo, bagamat hindi karaniwang aktibo sa Simbahan ang mga Overseas Filipino Workers dito sa Pilipinas ay hindi naman maikakaila ang kanilang matinding pananampalataya at partisipasyon sa mga gawaing pang-Simbahan sa iba’t ibang bansang kanilang kinaroroonan.
Paliwanag ng Obispo, ang Simbahan ang nagsisilbing pansamantalang kanlungan at takbuhan ng mga OFW na dumaranas ng pangungulila dahil sa matagal na pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan ng Pilipinas.

“OFWs may not be as active in the Church while in the country, but when working in a foreign land, they are always seen inside the Church… The Church becomes a sanctuary for them, a place of solace amidst the isolation of being away from their loved ones.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Gaa.

Tema ng magkaalinsabay na paggunita ng 110th World Day of Migrants and Refugees at 38th National Migrants Sunday ang “God Walks With His People” na layuning ihayag ang tuwinang pakikilakbay ng Panginoon sa buhay ng bawat isa.

Sa datos ng pamahalaan, umaabot na sa 10-milyon ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa ibayong dagat na unang kinilala ng Santo Papa Francisco bilang ‘smugglers of faith’ dahil sa masigasig na pagpapahayag ng pananampalataya at pagiging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa mga bansang kanilang pinaglilingkuran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 33,781 total reads

 33,781 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 84,421 total reads

 84,421 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,292 total reads

 132,292 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,240 total reads

 236,240 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 320,631 total reads

 320,631 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top