Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,377 total reads

Isa sa mga kaugaliang mahirap matanggal sa ating mga Filipino ay ang paggamit ng plastic sa pang-araw araw nating buhay. Kahit na alam natin na nakakasama ito sa ating kalikasan, patuloy pa rin ang pag-gamit natin nito. Nakatali kasi sa kahirapan ng maraming mga Filipino ang paggamit ng plastic sa ating bayan.

Ang plastic, kapanalig, ay mura. Ito ang pangunahing packaging ng mga produktong nabibili  sa ating merkado. Sa pamamagitan na plastic, nakakabili ang mga Filipino ng tingi – mga maliliit na version ng ating mga pangunahing produkto. Dahil sa ganitong uri ng mga packaging, nagiging accessible ang mga iba-ibang produkto sa mga maralita.

Ang plastic industry din kapanalig, ay malaki ang ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Noong 2018, $2.3 billion ang nai-ambag nito sa ating national economy. Malaking halaga ito para sa ating ekonomiyang bumabangon pa lamang sa pandemya. Maraming trabaho din ang nalilikha ng plastic industry sa bayan.

Kaya lamang, ang mga plastic na ito ay patuloy din sa pagsira ng ating kalikasan. Patuloy itong bumabara sa ating mga daluyang tubig at pumapatay ng buhay sa ating mga karagatan at ilog. Sa tagal nating gumagamit ng plastic, hirap pa rin ang ating lipunan na maayos itong maitapon o ma-dispose. Hindi natin sila ma-recycle, hindi natin sila ma-upcycle. Tila ang nagiging opsyon na natin sa pag-dispose ng mga plastic ay ang pagtapon. At karamihan sa mga plastik na ito, sa karagatan napupunta.

Dahil dito, ang ating bansa ay isa sa mga kinikilalang isa sa mga nangungunang plastic polluter sa buong mundo. At ang pinsala na dala ng plastic sa ating kalikasan ay hindi mapapantayan ng kahit anong halagang pera. Ito ay dahil buhay ang kinikitil  nito – buhay sa karagatan na nagbibigay buhay din sa ating mga tao.

Kailangang, kapanalig, na mabawasan ang single-use plastics sa ating lipunan. At habang nag-transisyon tayo mula dito, mahalaga na mapalakas ang materials recovery at recycling facilities sa ating bayan upang maiayos nating madispose, irecycle, at ma-upcycle ang mga plastic na ginagamit na bayan.

Kapanalig, ang pag-gamit ng plastic ay convenient at mura – malaking ganansya para sa marami sa atin. Pero tandaan sana natin, ang paggamit nito ay may kaakibat na responsibilidad. Sabi nga ni Pope Francis sa mga business leaders sa 2018 Vatican conference on the fourth World Day of Prayer for the Care of Creation, “We cannot allow our seas and oceans to be littered by endless fields of floating plastic.”

Hindi lahat ng plastic ay kailangang mapunta sa basura, kapanalig. Hindi ba’t nakikita natin na may mga entrepreneurs na gumagamit ng mga pakete ng plastic para maging mga bag, wallet, eco bag, at maging packaging muli? Maaari nating suportahan ang mga ganitong inisyatibo upang mas maging laganap pa sila sa ating bayan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 149 total reads

 149 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,380 total reads

 2,380 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 9,502 total reads

 9,502 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 46,882 total reads

 46,882 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 78,153 total reads

 78,153 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 155,095 total reads

 155,095 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 248,871 total reads

 248,871 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 9,503 total reads

 9,503 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 46,883 total reads

 46,883 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 78,154 total reads

 78,154 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 155,096 total reads

 155,096 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top