Diocese of Cabanatuan, nagbabala laban sa pekeng pari

SHARE THE TRUTH

 718 total views

Nagbabala ang Diocese of Cabanatuan laban sa mga nagpapanggap na lingkod ng Simbahan na ginagamit ang pangalan ng mga pari ng diyosesis at ng Simbahang Katolika upang makapanglinlang ng mga mananampalataya.

Ibinahagi ng diyosesis ang larawan ng Facebook at Messenger account na nagpapanggap na si Rev. Fr. Cesar Bactol na humihingi ng donasyon para sa sinasabing ordinasyon ng mga seminarista ng diyosesis.

Kalakip din ng naturang babala ang larawan ng liham na nanghihingi ng donasyon kung saan makikita ang pangalan at lagda ni Fr. Bactol at maging ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud.

Paglilinaw ng Diocese of Cabanatuan na hindi nararapat manghihingi o mangangalap ng donasyon ang naturang pari sa pamamagitan ng social media.

Paalala ng Simbahang Katolika na sakali mang makatanggap ng mga kaduda-dudang solicitation letter lalo na sa pamamagitan ng online ay marapat na agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng parokya o ng diyosesis upang matiyak ang pagiging lehitimo ng natanggap na sulat para sa donasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 1,601 total views

 1,601 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 39,411 total views

 39,411 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 81,625 total views

 81,625 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,171 total views

 97,171 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 110,295 total views

 110,295 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 13,818 total views

 13,818 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top