1,050 total views
Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) ang mamamayan at mananampalataya na ipagpatuloy ang kabutihang loob ngayong kapaskuhan.
Inihayag ni Jun Cruz, pangulo ng S-L-P na marapat na ibahagi sa ibang nangangailangan ang mga natanggap na sobra-sobrang regalo at pagkain upang hindi masayang.
“Paanyaya ko po sa mga kapwang Laiko at mga Pilipinong nakatanggap ng sobra-sobrang regalo at pagkain, huwag itong pabayaang masira at basta itatago na lang, tingnan natin kung pwedeng ipamigay ang mga ito,“Extended ang gift-giving ngayon” para sa mga mahihirap! So pakisabi po! As God extended His love for mankind, let us also extend our love and the giving of ourselves to others,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Cruz sa Radio Veritas.
Kaugnay ng mga ‘2nd-hand ng kagamitan’ ay una naring inilunsad ng Caritas Manila ang Segunda Mana at ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang MaLASAkit Bazaar na tumatanggap ng mga kagamitan na maari paring magamit.
Ang mga natanggap na second hand na kagamitan ay muling ibinibenta kung saan ang malilikom na pondo ay ginagamit na pang-tustos sa mga programa ng mga social action centers na tumutugon sa pangangailangan ng mga mahihirap at nasasalanta ng kalamidad.