Replika at standarte ng Poong Hesus Nazareno, binasbasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,970 total reads

Iniwangis ang ugali ng bawat isa sa ipinapakitang katuruan at kabutihang loob ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ito ang mensahe ni Father Hans Magdurulang – Attached Priest ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa unang araw ng pagbabasbas ng mga imahen, replika at standarte ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

“Sa araw na ito, sinisimulan natin ang tatlong araw na pagbabasbas sa mga replika’t standarte ng Nazareno, ito ay magandang paalala sa atin na pag sinabing replika, kawangis, kamukha, na sana ang lahat ng deboto ang lahat ng gagawin natin ngayong kapistahan ng Nazareno ay magtulak sa atin upang maging kamukha, kalarawan ng Poong Hesus Nazareno,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Magdurulang.

Ayon pa sa Pari, mahalagang hindi lamang ito maisabuhay ng isang pagkakataon, nawa ay magsilbing inspirasyon ng mga deboto ng Nazareno na maging kawangis ng Panginoon sa pang araw-araw na pamumuhay.

Sa unang ng pagbabasbas sa mga replika at standarte, umabot sa higit 100 mga parokya, deboto at balangay ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang nakiisa sa gawain na pinangunahan nila Father Hans at Father Robert Arellano na parehong Attached Priests ng Quiapo Church.

Bilang isa sa mga unang bahagi ng paghahanda sa Traslacion 2023, magtatagal ang pagbabasbas ng tatlong araw na nagsimula ngayong December 27 at magtatagal naman hanggang December 29.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 31,553 total reads

 31,553 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 79,424 total reads

 79,424 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 183,372 total reads

 183,372 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 269,486 total reads

 269,486 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 338,040 total reads

 338,040 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top