Social Communication Ministers, hinamong maging instrumento ng “renewal of truth”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total reads

Maging instrumento ng Panginoon sa pagpapahayag ng katotohanan.

Ito ang hamon ni Lipa Abp. Gilbert Garcera, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Family and Life sa pagbubukas ng 5th National Catholic Media Convention sa Monte Maria, Mother of all Asia Shrine sa Batangas City.

Tatlong bagay ang ipinaalala ng Arsobispo sa mga delegado na miyembro ng Social Communications Ministry ng mga Diyosesis at Arkidiyosesis upang maitaguyod ang katotohanan.

Una na dito ang babala o “Warning” na nagmumula sa ebanghelyo.

Sinabi ni Bishop Garcera na ipinapaalala ng Panginoong Hesus lalo na sa kasalukuyang henerasyon na sa paggamit ng Social Media ay mahalagang pag-isipan at pagnilayang mabuti ang lahat ng bagay na pi-no-post o inilalathala.

Ikalawang binigyang diin ni Abp. Garcera ang kahalagahan ng pakikihalubilo kay Hesus sa pamamagitan ng panalangin.

Ayon sa Arsobispo, sa pamamagitan ng pananalangin at pakikinig sa Panginoon ay gagabayan at tutulungan tayo ng Espiritu Santo.

Sa huli, hinimok ng Arsobispo ang bawat isa na tularan ang pagpapanibago ni Hesus sa pamamagitan ng “Renewal for Truth”.

Ayon kay Abp. Garcera, sa gitna ng lantarang paglaganap ng fake news, at paninira, mahalagang mapaninago ng Social Communications Ministry ang pagpapahayag ng balita na nakabatay sa katotohanan.

“Lantaran ang fake news lantaran ang kwentong pananakit ngunit ang pagtitipon natin ngayon, media practiotioners, ay pagpapanibago tulad ng pagpapanibago ni Hesus ng anyo.” Pahayag ng Arsobispo.

Umaasa ang Arsobispo na nawa sa pagpapanibagong matatamo ng mga delegado ay maging instrumento ang bawat isa sa tunay at tapat na pamamahayag.

“The renewal for truth ang pagpapanibago na tayo ay instrumento ng Diyos upang ipahayag ang kanyang katotohanan.” Dagdag pa ni Abp. Garcera.

Sa pagsisimula ng apat na araw na pagtitipon nakapagtala ng mahigit 180 delegado ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications.

Bukod kay Abp. Garcera, dumalo din sina Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, kasalukuyang Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communications at ang incoming chairman nito na si Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr.

Magtatapos ang 5th National Catholic Media Convention sa ika-9 ng Agosto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,606 total reads

 21,606 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,352 total reads

 58,352 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,622 total reads

 284,622 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,089 total reads

 178,089 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,958 total reads

 270,958 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,761 total reads

 34,761 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,655 total reads

 27,655 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top