Solidarity mass para sa mga inuusig na lider ng Simbahan, pangungunahan ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total reads

Nanawagan ng pakikiisa at pakikibahagi ang Association of Major Religious Superior in the Philippines (AMRSP) para sa nakatakdang Solidarity Mass na isasagawa bilang pagpapakita ng suporta sa mga Obispo, Pari at mga layko na isinasangkot sa kasong sedisyon laban sa pamahalaan.

Ayon kay AMRSP Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, OFM ang nakatakdang misa ay naglalayun ring maipahayag ang paninindigan laban sa paglaganap ng kadiliman sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Iginiit ng Pari na mahalagang mamulat ang mamamayan sa katotohanan ng mga mali at hindi makatarungang nagaganap sa bansa na gawain ng walang pakialam sa kapakanan ng bayan.

Nakatakda ang Solidarity Mass bukas ika-6 ng Agosto sa Christ the King Seminary sa E. Rodriguez ganap na alas-kwatro ng hapon na inaasahang susundan rin ng candle lighting na sumisimbolo sa paghahangad ng kapayapaan at katarungan sa lipunan.

“Nananawagan kami na makiisa kayo sa isang banal na misa sa ganap na alas-kwarto ng hapon sa Christ the King Seminary sa E. Rodriguez upang ipakita natin ang ating lantarang suporta sa mga mahal nating Obispo at Pari na ngayon ay pinagbibintangan, ito ay isang misa upang ipahayag natin na tayo ay pumipiglas para sa pagkakabihag ng kadiliman sa kasalukuyang administrasyon, ito ay panawagan upang makita ng lahat kung ano ang kasinungalingan at mangibabaw ang katotohanan at maramdaman ng lahat na talagang lantaran na ang karahasan at ang minimithi natin ay katarungan at alam natin ang lahat ng ito ay dahil sa katrayduran ng marami, wala naman tayong ibang hinahangad kundi kapayapaan…” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang ibinahagi ng Pari na ang kasong sedisyon ay isang paraan ng paniniil sa Simbahan partikular na sa mga Pari at mga Obispong mariing nagsusulong ng kaayusan, katapatan at kapayapaan sa lipunan.

Samantala, bukod sa pagpapahayag ng suporta ipapanawagan rin sa solidarity mass ang pagtutok ng pamahalaan sa mga tunay na suliranin tulad ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga napapaslang, paninindigan sa soberenya ng bansa, pagtugon sa laganap na kahirapan at sitwasyon ng mga Filipinong manggagawa sa bansa.

Read: SOLIDARITY MASS AND CANDLE LIGHTING FOR THE THIRTY SIX ACCUSED OF INCITING TO SEDITION

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 12,284 total reads

 12,284 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 98,746 total reads

 98,746 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 136,119 total reads

 136,119 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 167,379 total reads

 167,379 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 239,623 total reads

 239,623 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,406 total reads

 32,406 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top