Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 181 total views

Mga Kapanalig, kasabay ng paglubog sa baha ng mga lansangan sa Maynila nitong mga nakalipas na mga linggo, bumaha rin ang batikos at reklamo ng mga kababayan nating naperwisyo ng matinding baha sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Taft Avenue. Hindi na bago ang pagbaha sa mga kalsadang ito tuwing umuulan, ngunit kapansin-pansing sobrang taas ang tubig-baha noon at matagal itong humupa kumpara sa mga nakalipas na panahon. Ang resulta: daan-daang komyuter ang stranded dahil hindi makadaan ang mga pampublikong sasakyan.

Lumabas na tatlo sa mga pangunahing drainage systems ng Maynila ang isinara dahil sa proyektong naglalayong linisin muna ang tubig na ilalabas sa Manila Bay. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), hindi pa natatapos ng Department of Public Works and Highways (o DPWH) ang pumping station at ang pagkakabit ng mga tubo kaya mabagal ang pagbaba ng tubig-baha sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Taft Avenue. Dagdag ng MMDA, bahagi ang proyektong ito sa target ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) na gawing “swimmable” ang tubig sa Manila Bay. Bagamat sinabi ng acting general manager ng MMDA na wala raw kinalaman ang kontrobersyal na dolomite beach sa pagbaha sa Maynila, kinumpirma ng DPWH na kailangan daw palakihin ang kapasidad ng mga pumps sa tatlong pumping stations sa lungsod dahil sa requirement ng DENR na i-extend ang mga pipes patungo sa Manila Bay upang hindi marumihan ang dolomite beach. Dahil sa balitang ito, muli na namang pinuna at kinuwestiyon ng marami ang  white sand beach sa Manila Bay.

Sa isang banda, mabuti ang layunin ng pamahalaang bawasan ang polusyon sa Manila Bay. Ngunit sa kabilang banda, ang layuning gawin itong “swimmable” o malalanguyan ay hindi tumutugon sa mga tunay na pangangailangan ng maraming Pilipino. Ang paglalaan ng pamahalaan ng 1.7 bilyong piso para sa Manila Bay Rehabilitation Program, kung saan kasama rito ang pagtatambak ng dinurog na dolomite sa maliit na bahagi ng dalampasigan ng Manila Bay, ay magiging mas kapakipakinabang sana sa maraming paraan. Sa panahong hiráp na hiráp ang mga mananakay sa pagbibiyahe, hindi na dapat dumadag pa ang pagbaha sa kalbaryong nararanasan nila.

Ngunit paano nga ba maiintindihan ng pamahalaan ang hirap ng mga Pilipinong komyuter kung  komportable silang nakaupo sa kani-kanilang pribadong sasakyan? Paano nga ba nila masosolusyunan ang bulok na sistema ng pampublikong transportasyon kung hindi nila nararanasan ang pinagdaraanan ng mga mananakay? Ilang taon nang iniinda ng masa ang hirap sa pagkokomyut. Maraming oras nila ang nasasayang sa mabagal na usad ng daloy ng trapiko—oras na sana ay inilalaan nila sa pagpapahinga at sa piling ng kanilang pamilya.

Mandato ng gobyernong pagsilbihan ang publiko, hindi ang payamanin ang kanilang mga sarili o mga pribadong interes. Gaya ng ipinapahayag sa Lucas 12:48, ang mga pinunong “binigyan ng marami ay hahanapan ng marami, [at] mas marami ang pananagutan ng pinagkatiwalaan ng mas marami.” Sinasabi pa Catholic social teaching na Rerum Novarum, ang pangunahing tungkulin ng mga namumuno ay tiyaking ang mga batas, patakaran, at programa nito ay naglalayong matamo ang kabutihang panlahat at kaunlaran ng mamamayan. Samakatuwid, dapat na pangalagaan ng mga tagapamuno ng Estado ang mga miyembro ng komunidad. Tungkulin ng mga may katungkulan sa pamahalaang tiyaking maayos ang kalidad ng pamumuhay ng mga taong pinaglilingkuran nila.

Mga Kapanalig, may karapatan tayong hingin sa ating pamahalaan ang maayos na serbisyong pampubliko dahil taumbayan ang nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan. Itinatag ang pamahalaan dahil ito ang inatasang tutugon sa anumang suliraning susulpot sa ating komunidad. Umiiral ang mga ahensya at departamento nito upang makabuo ng mga solusyong magpapadali—hindi magpapabigat—sa buhay ng mga tao.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,079 total views

 7,079 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,052 total views

 13,052 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 18,807 total views

 18,807 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,070 total views

 26,070 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,054 total views

 34,054 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 7,080 total views

 7,080 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 13,053 total views

 13,053 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 18,808 total views

 18,808 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 26,071 total views

 26,071 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 34,055 total views

 34,055 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,549 total views

 35,549 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,553 total views

 47,553 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,595 total views

 55,595 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,152 total views

 47,152 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,577 total views

 45,577 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,363 total views

 47,363 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,288 total views

 44,288 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,602 total views

 58,602 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,292 total views

 62,292 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,895 total views

 60,895 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top