EILER, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total reads

Nananawagan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) at Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga manggagawa lalo na ang mga kabataan.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa mga suliranin sa ekonomiya ng dulot ng pandemya.

Tiniyak ni Rochelle Porras – EILER Executive Director na sa tulong ng mga Labor Ministries ng simbahang katolika ay magkakaroon ang mga manggagawa ng kaagapay.

Tungkulin ng labor Ministries ng Simbahan na iparating ang mga apela at hinaing ng mga mangggagawa na itaas ang antas at may digdinidad ang kanilang pamumuhay.

“In the absence of any concrete labor programs from the government to address the crisis, we hope that the workers, in solidarity with the Church, through its labor ministry, and other rights advocates find their united voice to propose and campaign for better normal,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Porras sa Radio Veritas.

Sinabi naman ni Kej Andres – pangulo ng SCMP na mahalagang hakbang ang pagsasagawa ng pamahalaan ng mga inisyatibo na tutulungan ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSME) na makabangon upang mapadami ang oportunidad ng trabaho sa bansa.

“Ang panalangin namin ay hindi lang trabaho para sa mga walang trabaho, bagkos trabahong regular, desente, may 1,000 family living wage, ligtas na mga espasyo sa pagtatrabaho, at may karampatang benepisyo, hiling namin sa pamahalaan na suportahan ang micro, small and medium enterprises, isulong ang pambansang industriyalisasyon, at tulungan ang mga magsasaka upang makapagparami ng trabaho at makatayo sa sariling paa ang Pilipinas,” mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.

Naunang naitala ng United Nations simula Enero hanggang Hulyo 2022 na umabot sa 73-milyong kabataang nasa edad 15 hanggang 24-taong gulang ang walang trabaho sa buong mundo.

Naitala din ng Philippine Statistics Authority na umabot sa 2.99-milyon ang unemployment rate sa Pilipinas noong Hunyo 2022.

Patuloy namang isinusulong ni Father Eric Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry on Labor Concerns ang iisang national minimum wage dahil sa patuloy na pag-taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,013 total reads

 73,013 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,167 total reads

 108,167 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,467 total reads

 143,467 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,736 total reads

 369,736 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,145 total reads

 259,145 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top