454 total views
Ito ang pahayag ni Cebu Archbishop Jose Palma sa katatapos na pagbabasbas at pagtalaga ng Capelinha de Fatima Replica sa Tinubdan Hills Lambusan San Remigio Cebu.
Ayon sa Arsobispo, ito ay pagpapahayag ng pag-ibig at maka-inang kalinga ng Mahal na Birhen sa sanlibutan na magdadala tungo sa Panginoon.
“This Capelinha is a source of hope, of inspiration, of strength. When we come here, God is here in a special way – with Mama Mary, St. Jacinta, and St. Francisco. They journey with us. They give us strength,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.
Paalala ng arsobispo na sa paglalakbay tungo sa Ama ay laging kasama ang Mahal na Ina na gumagabay sa bawat indibidwal.
Labis naman ang kagalakan ni Reynald Andales, Board of Trustee ng World Apostolate of Fatima (WAF) International at Formation Coordinator ng WAF Philippines na makalipas ang ilang taong pagsusumikap ay pormal nang Itinalaga ang ikaapat na replica chapel ng Our Lady of Fatima.
Si Andales at WAF Philippines National President Debra Andales ang nagsumikap makipag-ugnayan sa WAF international upang maitayo sa Pilipinas ang replica chapel para sa Southeast Asia.
Hinimok ni Andales ang mga deboto na bumisita sa Capelinha de Fatima Replica sapagkat parehong biyaya ang natatanggap sa pagbisita sa Fatima Portugal.
“When you visit in Portugal and in visiting the Capelinha de Fatima Replica here in Cebu you will receive the same graces and mercy, so no need to go to Fatima Portugal just visit the replica chapel in San Remigio Cebu,” pahayag ni Reynald Andales sa panayam ng Radio Veritas.
Apela ni Andales sa mga deboto na magtutungo sa replica chapel na agad makipag ugnayan sa WAF Cebu sa Facebook Page na Capelinha de Fatima Replica upang mapaghandaan ang kanilang pagdalaw.
Inihayag nito na ito rin ang magandang pagkakataon upang maibahagi sa mga pilgrims ang mensahe ng Mahal na Birhen.
“We will also give orientation and formation about the true and authentic message of the Our Lady of Fatima,” ani Andales.
Pinangunahan ni Archbishop Palma ang blessing at consecration kasama sina Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones, Malolos Bishop Dennis Villarojo, Ozamis Archbishop Martin Jumoad, Palo Archbishop John Du, Digos Bishop Guillermo Afable, ang Bishop Moderator at National Spiritual Director ng WAF Philippines.
Dumalo rin sa pagtalaga si Fr. Francisco Pereira, ang Chaplain ng Sanctuario de Fatima sa Portugal at si Nuno Prazerez ang Executive Director ng World Apostolate of Fatima International.
Nakibahagi rin sa pagdiriwang ang may 6,500 deboto mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.