Cavite PNP, blangko pa rin sa kidnapping case ni Father Phem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 984 total reads

Hindi pa rin nabibigyang-linaw ang motibo sa pagkawala ni Father Leoben Peregrino na natagpuang buhay matapos ang dalawang araw sa Silang, Cavite.

Ayon kay Rosario, Cavite Police acting chief Police Lieutenant Colonel Ruther Saquilayan, kanilang tinitingnan ang motibo sa pagdukot kay Fr. Peregrino.

Iginiit naman ni Saquilayan na tanging ang pari lamang ang makakapaglahad ng mga tunay na nangyari ngunit hindi pa rin ito makausap dahil sa tinamong trauma.

“‘Yun po ang initial [investigation] namin na ginagawa kung meron man na abduction na nangyari kay Father [Peregrino]. Bale sa ngayon po talaga ay wala pong makakapagbigay ng tunay na pangyayari kundi po si Fr. Leoben lang po,” ayon kay Saquilayan sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin ng pulis ang rekomendasyon ng doktor ni Fr. Peregrino upang ito ay makausap at mahingan ng impormasyon hinggil sa pangyayari.

Si Fr. Peregrino o mas kilala bilang Fr. Phem, ang kasalukuyang rektor at kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of The Most Holy Rosary – Reina de Caracol sa Rosario, Cavite na saklaw ng Diocese of Imus.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa mga lugar na dinaanan ng pari upang makapangalap ng mga ebidensiyang susuporta sa imbestigasyon.

“May mga kinakalap po kaming mga witness sa lugar ng pinangyarihan at patuloy po naming bina-backtrack po ‘yung mga CCTV cameras simula po dito sa Rosario Parish papunta po doon sa pinangyarihan kung saan po siya natagpuan,” pahayag ni Saguilayan.

Nawawala si Fr. Peregrino noong April 1 at natagpuan makalipas ang dalawang araw sa loob ng sasakyan na walang malay at nakagapos ang mga kamay at leeg sa Barangay Lumil, Silang, Cavite.

Kasalukuyan nang ligtas at nagpapahinga si Fr. Peregrino sa isang ospital sa Dasmariñas, Cavite.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 219,121 total reads

 219,121 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 250,852 total reads

 250,852 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 352,676 total reads

 352,676 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 393,237 total reads

 393,237 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 405,153 total reads

 405,153 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,730 total reads

 142,730 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top