Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 87,704 total views

Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride.

Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una, ito ay nagbibigay ng pisikal na kalakasan at kalusugan. Sa pamamagitan ng sports, naiiwasan ng kabataan ang mga sakit na dulot ng sedentary lifestyle, na kay hirap iwasan ngayon dahil sa tukso ng social media, internet, at mga gadgets.

Ang sports ay nagpapaunlad din ng karakter. Tumutulong ito sa paghubog ng disiplina. Ang sports ay nagtuturo ng mahahalagang ugali sa buhay gaya ng teamwork, leadership, at perseverance. Ang mga kabataang naglalaro ng sports ay madalas na nagiging mas responsable, disiplinado, at may mataas na self-esteem.

Isa rin itong paraan upang matuto ang kabataan na magmahal, makiisa, at makisama. Sa pamamagitan ng sports, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na makakilala ng mga bagong kaibigan at makipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Ito ay nagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakaintindihan sa komunidad.

Ang sports ay nagdadala rin ng mas maraming oportunidad upang mas ma-improve ng kabataan hindi lamang ang kanilang galing sa laro, kundi pati sa iba pang kasanayan na magpapalawak pa ng kanilang experience, kasanayan, at kamalayan. Isang ehemplo ay ang pagbibigay ng maraming paaralan at unibersidad sa Pilipinas ng mga scholarship sa mga mag-aaral na magaling sa sports. Ang ganitong oportunidad ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na magkaroon ng magandang edukasyon habang tinutuloy ang kanilang passion sa sports.

Ang sports din ay larangan ng mga bayani, na nagiging inspirasyon ng maraming mga kabataan na magsumikap pa sa buhay. Ang mga ehemplo gaya ni Manny Pacquiao sa boxing at Hidilyn Diaz sa weightlifting ay nagsisilbing huwaran sa kabataan. Naiiwas sila sa masasamang bisyo at nagiging abala sa sports na nagbibigay ng positibong alternatibo at layunin sa kanilang buhay.

Maganda sana na mabigyan ng mas malaking budget ang sports sa bayan, para maging mas inclusive at malawig ang programa nito. Mas maraming mga kabataan sa probinsiya at mga marginalized populaitons ang makikinabang kapag ginawa natin ito. Sa ngayon, tinatayang nasa 0. 04% lang ng national budget ang ang budget para sa Philippine Sports Commission. Ang Gaudium et Spes, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, ay nagpapa-alala sa atin na dapat lahat tayo ay may access sa lahat ng kailangan natin para sa genuine o tunay na makatao at makatarungang buhay. Ang sports ay isa sa mga serbisyo na makakatulong sa ating kabataan na maabot ang kanilang potensyal at kaganapan bilang taong nilikha sa anyo ng Diyos, kaya sana suportahan natin ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 6,744 total views

 6,744 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 21,455 total views

 21,455 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 34,313 total views

 34,313 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 108,594 total views

 108,594 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 164,248 total views

 164,248 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Promotor ng sugal

 6,746 total views

 6,746 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 21,457 total views

 21,457 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 34,315 total views

 34,315 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 108,596 total views

 108,596 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 164,250 total views

 164,250 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 122,010 total views

 122,010 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 108,932 total views

 108,932 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 118,795 total views

 118,795 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 146,708 total views

 146,708 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 164,266 total views

 164,266 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
1234567