5,992 total views
Gamitin ang pamamagitan ni San Juan Bautista upang mapalalim ang ugnayan sa Panginoon
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista sa Saint John the Baptist Parish Church sa San Juan City at na pagtatalaga sa simbahan bilang Archdiocesan Shrine ng Archdiocese of Manila.
‘The Birth of John brings newsness and hope for it marks the beginning of the climax salvation history in Jesus Christ may this qualities be born in us so we can effectively prepare the weight of the Lord, let us be John to one another and allow ourselves to do a light to the nations so God’s Salvation may reach through the end of the world ‘ pagninilay ni Cardinal Advincula sa kapistahan ni San Juan Bautista.
Nagalak at labis ang pasasalamat ni Father Mike Kalaw na Rector at Parish Priest at ipinarating na tunay na karangalan ang maging dambana para sa Panginoon at higit para sa mga mananampalataya ng tinaguriang Pinaglabanan church.
Itinuturing ito ng Pari na isang malaking biyaya dahil kasabay ng pagiging dambana ay ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang Kay San Juan bautista.
“Una’t higit sa lahat isa pong karangalan namin bilang isang parokya dito sa Saint John The Baptist Pinaglabanan na kami po sa pagdiriwang po namin ng ika 130 anibersaryo namin bilang isang parokya sa Archdiocese of Manila, kami rin po ay napagkalooban ng pagkakataon para maitanghal bilang pong isang Archdiocesan shrine dito sa ating Arkidiyosesis at talaga naman po isa pang biyaya din na kung saan isasabay din po ang pag proklama naman po sa side naman po ng Bayan ng San Juan bilang maging official patron saint si Saint John the baptist,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Kalaw.
Nagpapasalamat din ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan City sa pagtatalaga ng Archdiocesan Shrine of Saint John the Baptist bilang isang dambana.
Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora, malaking karangalan ang pagiging dambana higit na sa Santo nakapangalan ang lungsod na kaniyang pinapangasiwaan.
Labis ding ikinagalak ng Alkalde ang hakbang kung saan isinibay ng lokal na pamahalaan ang pagtatalaga kay Saint John the Baptist bilang patron ng lungsod.
“Alam niyo po ito ay isang karangalan na ito po ay magaganap sa taong ito dahil matagal na po namin itong pinag-usapan ni Fr.Mike Kalaw na makamit ang pagkilalang ito, yung pag elevate nga into an Archdiocesan Shrine and it’s an honor na naganap po ito sa taong ito at kapanahunan ang inyong lingkod po, ang mayor ng San Juan, ito po ay naganap sapagkat talagang iba na po ang nagiging structure ng ating Saint John the Baptist Parish Church,” panayam ng Radio Veritas kay Zamora.
Sa naging gawain ay magkakasabay na itinalga bilang Dambana ang simbahan kung saan ipinagdiwang din ang Dakilang Kapistahan ng kapanganakan ni Saint John kung at pormal na itinalaga ang Santo bilang Patron ng San Juan City.