St.William Parish sa Passi, Iloilo city, pansamantalang isasara para sa Act of Reparation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,537 total views

Nanawagan ng panalangin at pagkakaisa ang St. William Parish matapos ang insidente ng pagpatiwakal ng isang binatilyo sa loob ng simbahan noong umaga ng September 24.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Fr. Moises Tacardon, kura paroko ng parokya na ang pangyayari ay paalala sa lahat ng kahalagahan ng malasakit at pakikinig, lalo na sa mga taong may dinadalang suliranin.

“Isa ini ka daku nga pagpanawagan para sa aton tanan nga talupangdon naton ang balatyagon sang tagsa-tagsa, ilabi na gid ang indi pirmi makapa-utwas sang ila mga balatyagon,” ayon sa pahayag ng Parokya. [Isa itong malaking panawagan para sa ating lahat na pahalagahan ang damdamin ng bawat isa, lalo yaong mga hindi palaging nakapaglalahad ng kanilang nararamdaman.]

Hinimok ng parokya ang publiko na umiwas sa panghuhusga at sa halip ay ipanalangin ang kaluluwa ng biktima.

“Kon nga-a natabo ini sa simbahan, luyag kita magpati nga may sense of God sa iya bisan pa sa kabug-aton sang iya ginadala.”[Kung nangyari ito sa loob ng simbahan, nais nating paniwalaan na nanatili pa rin ang kanyang sense of God sa kabila ng bigat ng kanyang dinadala.]

Nagpaabot ng pakikiramay ang parokya sa pamilya ng biktima at tiniyak ang mga panalangin para sa kanilang paghilom.

Umaasa ang pamayanan na magsilbing aral ang insidente upang higit na mapansin ang mga taong may pinagdaraanan.

“Kabay pa nga magbukas ini sang aton panan-awan sa pagbatyag kag pagtalupangod sa mga kauturan naton nga may kabudlayan sa ila personal nga kabuhi,” dagdag ng pahayag.[Nawa’y magbukas ito ng ating isipan at damdamin upang higit na mapansin at maunawaan ang ating mga kapatid na may pinagdaraanan sa kanilang personal na buhay.]

Pansamantalang isasara ang simbahan para sa Act of Reparation at paghahanda sa Reconsecration.

Magsasagawa ng misa sa Jubilee Hall habang sarado ang simbahan; at kanselado rin ang mga misa sa mga kapilya.

September 25 (4:00 PM) – Holy Hour at Confession, susundan ng misa (5:15 PM).
September 26 – Day of Penance, Fasting, and Abstinence: Holy Hour at Confession (4:00 PM), misa (5:15 PM), Via Crucis (6:00 PM).
September 27 (5:00 AM) – Dawn Rosary Procession at misa (5:30 AM).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 50,068 total views

 50,068 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 83,150 total views

 83,150 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 111,501 total views

 111,501 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 179,233 total views

 179,233 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 198,881 total views

 198,881 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top