Tunay na sukatan ng kapangyarihan ay nagbibigay pagkakataon sa tao na magbalik-loob at hindi magparusa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,388 total reads

Iginiit ni Taytay Bishop Broderick Pabillo na ang tunay na sukatan ng kadakilaan at kapangyarihan ay hindi ang kakayahang magparusa o magpasunod sa iba, kundi ang pagiging mahabagin, mapagpasensya, at mapagtimpi, na ipinamamalas ng Diyos sa sangkatauhan.

Sa kanyang pagninilay sa ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon, binigyang-diin ng obispo na taliwas sa pananaw ng mundo, ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi ginagamit upang manakot o mang-api kundi upang bigyan ng pagkakataon ang tao na magbalik-loob.

“Oo, makapangyarihan Siya, pero Siya ay mahabagin. Namamahala Siya nang buong hinahon at pagtitimpi. Maaari Siyang magparusa agad, pero nagbibigay Siya ng pagkakataon para magsisi ang nagkakasala,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo, ang pagtitimpi ng Diyos ay hindi dapat ituring na kahinaan o pagpapabaya kundi isang pagpapakita ng Kanyang dakilang pag-ibig at habag para sa hangaring mailigtas ang sangkatauhan.

“Ang pagpapasensya ng Diyos ay pagkakataon sa atin na magbago tayo. Hinahabaan pa Niya ang kanyang pisi para maligtas tayo. Hindi ito tanda ng kahinaan o kapabayaan, kundi ng pag-ibig,” aniya.

Ipinaliwanag ng obispo na ito ang diwa ng talinghaga ni Hesus tungkol sa mabuting binhi at mga damo, kung saan hinahayaang lumago ang dalawa hanggang sa panahon ng pag-aani upang mabigyan ng pagkakataon ang mga makasalanan na magbago ng buhay.

Gayunman, nilinaw ni Bishop Pabillo na ang habag ng Diyos ay hindi nangangahulugang nawawala ang pananagutan ng tao sa kanyang mga ginawa.

“Pero hindi dahil sa mapagpasensya ang Diyos na siya ay pabaya, na ok lang sa kanya kung tayo ay masama o mabait. Hindi! Mananagot din tayo,” giit ni Bishop Pabillo.

Aniya, darating ang panahon ng paghuhukom kung kailan pananagutin ang bawat isa batay sa kanyang naging tugon sa maraming pagkakataong ibinigay ng Diyos upang magsisi at magbagong-buhay.

Binigyang-diin din ng obispo ang patuloy na paggabay ng Espiritu Santo sa bawat mananampalataya, lalo na sa mga sandaling nahihirapang manalangin at sundin ang kalooban ng Diyos.

Iniuugnay ni Bishop Pabillo ang mensahe ng Ebanghelyo sa pang-araw-araw na pakikitungo sa kapwa, lalo na sa mga mahihina, mga nakatatanda, mga bata, at mga taong kapos sa edukasyon o pang-unawa.

Ibinahagi rin ng obispo ang aral na natutuhan niya mula sa kanyang ama na nagsabing ang mga mas may pinag-aralan at mas may kakayahan ang siyang dapat higit na umunawa sa kakulangan ng iba.

“Dahil sa ating kakayahan at kaalaman, tayo na ang umunawa sa mga tao na mahirap umintindi o hindi madaling makasunod sa ating instructions. The more we have, the more patient we should be with those who have less,” ayon sa obispo.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na tularan ang Diyos sa pagpapakita ng habag at pag-unawa habang isinasaalang-alang na ang bawat tao ay may pananagutan sa Panginoon

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 26,146 total reads

 26,146 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 174,881 total reads

 174,881 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 209,557 total reads

 209,557 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 225,603 total reads

 225,603 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 262,089 total reads

 262,089 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 270,205 total reads

 270,205 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top